Manhid 19: Force Date with.. WHOM??

343 45 8
                                    

Manhid 19: Force Date with WHOM??

Ivy's POV

*Ako ang ringtone mo,
Ako ang ringtone mo,
Bilisan mo na,
Sagutin ang telepono.*

Nangunot ang noo ko nang tumunog ang cellphone ko.

Ipinahid ko ang mga bula na nanggagaling sa labadang ginagawa ko sa malaking polong soot ko.

Nandito ako ngayon sa bahay. Kanina, sa condo namin ni Kevin kami pumunta at inayos ang gamit namin na tinulungan naman kami ng barkada. Dun ko rin kwinento ang walang kwentang dahilan ko kung bakit hindi ko na sila kinontact.

First, nahack kasi yung account na ginagamit ko. After that, hindi na ako gumawa ng account. Ewan ko ba. Gusto ko lang maramdaman kung anong feeling ng makita yung taong matagal mo nang hindi nakakausap.

At sa nangyare kanina, napatunayan kong sobrang saya. Sobrang sarap ng pakiramdam. It was great.

*Ako ang ringtone mo,
Ako ang ringtone mo*

Nabalik ako sa reyalidad nang tumunog muli ang cellphone ko.

'Saan ko nga ba nilagay 'yun?'

Nakakainis naman. Sa sobrang kalat dito sa garden hindi ko na makita yung phone ko.

Napagdesisyunan ko kasing dito muna matulog sa bahay. Oo. Nandito ako sa bahay namin. Iniwan ko muna sa condo si Kevin. Balak ko sanang pagalitan si Kuya Lance dahil sinabi niya kila Kaye Ann na andito na ako. Binungangaan tuloy ako nung tao.

*Bilisan mo na,
Sagutin ang telepono.*

Iniangat ko ang ilang damit na hindi pa basa at nagbakasakaling natabunan noon ang phone ko, pero nabigo lang ako.

Pagdating ko kasi dito ay wala si Lance at nakita ko ang tambak tambak na labada. Wala kasi syang yaya dito. Ayaw niya daw non. Si Inang naman ay malamang, inaasikaso ang flower shop niya. At paniguradong wala na yung lakas para maglaba pa.

Kaya naman mas pinili kong labhan ang ilang damit nila para naman bawas kalat bago magpahinga.

Marunong naman akong maglaba. Tinuruan ako ni Kevin.

*Ako ang ringtone mo,
Ako ang ringtone mo,
Bilisan mo na,
Sagutin ang telepono.*

Oh shit! Nakalimutan ko!

Natataranta kong sinuyod ng tingin ang buong garden. Sinusubukang hanapin ang phone ko at sa huli ay hindi naman ako nabigo. Nang makita ko ito ay agad ko itong tinignan.

3 missed call.

Tinignan ko kung sino ang tumawag at napakunot nalang ang noo ko nang makitang unknown number ito.

'Sino kaya 'to?'

Paalis na sana ako nang tumunog ulit ito.

*Ako ang ringtone mo,
Ako an--*

"Hello?" Bungad ko sa kabaling linya. Naghintay ako ng ilang segundo pero hindi siya sumagot.

"Hello?" Ulit ko ngunit katulad ng nauna ay hindi rin ito sumagot.

"Who are you?" Nagsimula na akong mainis nang manatili itong tahimik.

'Takte! Joke ba 'to?'

"Where did you get my number?" Kahit na naiinis ay pinilit ko paring pakalmahin ang tono ng boses ko pero nabigo ako nang muli lang itong hindi magsalita.

"Is this some kind of a prank? The hell! Stop wasting my time!" Inis na sabi ko at ibababa na sana ang phone nang magsalita ito.

"I heard, nakabalik ka na?" Hindi ko alam pero parang kinilabutan ako nang marinig ang boses niya.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon