Manhid 2 : A Night with Him

641 62 4
                                    

Manhid 2 : A Night with Him

Ivy's POV 

*Lub Dub Lub Dub*

"Ahmm, Ahh. K-Kurk.." 

Biruin mo nga naman, may maganda pa palang mangyayari.

"Anong nangyari?" Lumuhod siya at pinantayan ako ng upo. Hindi ako nakasagot at pinilit nalang tumayo pero natumba lang ulit ako.

Napatingin si Kurk sa kanang paa ko at nakitang namumula na medyo nangingitim ito.

"Ivvy!" Nabaling ang tingin ko sa tumawag sakin at nakita si Keith.

"Waahh! Anong nangyari sayo? Tara, dadalhin kita sa clinic!" Aangal pa sana ako nang buhatin niya na ako (Bridal Style) at lumabas na ng cafeteria.

"Teka nga, ano bang ginagawa mo? " naiiritang tanong ko.

"Kanina lang nakangiti ka, ngayon naman ang sungit sungit mo!" Sabi niya na binaliwala ang tanong ko.

"Kasi kanina, nasa harap ko si Kurk pero ngayon, wala na!" Hindi ko alam pero bigla nalang syang natahimik kaya hindi na ako umimik.

Nang makapasok naman na kami sa clinic ay dahan dahan niya akong ibinaba sa isa sa mga kama roon. Mukhang walang nurse.

"Ano bang nagustuhan mo sa kanya?" Nagulat ako nang magsalita siya bigla. Agad akong napatingin sa kanya at nakitang seryoso lamang siyang nagbabasa ng isa sa mga magazine doon habang prenteng naka upo sa malapit lang sa kama na hinihigan ko.

"Huh?" Nangunot ang noo ko.

Parang hindi siya ang Keith na kilala ko. Masyado siyang seryoso.

"Anong nagustuhan mo sa kanya?" Kinabahan ako nang bigla siyang tumingin sakin. Saglit kaming nagkatinginan nang umiwas na agad ako.

Gosh! Feeling ko pinagpapawisan ako. Pero bakit?

"Ahh-- Ano b- bang si- sinasabi mo?" Sinubukan kong hindi mautal pero dahil naninibago ako sa kanya ay hindi ko nagawa. Bakit ba kasi ang seryoso niya?

"Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin. Ano bang nagustuhan mo sa kanya?" Unfair! Bakit ako nauutal, siya hindi? Asar!

"Ahh--" Nahagip ng mata ko na nakatingin parin siya sa akin kaya pinilit kong huwag mapatingin sa kanya.

"Ahhmm, Ahh. Kasi..  Ahh.. -- " Hindi pa ako tapos magsalita nang magsalita na ulit siya.

"There's no reason for you to be nervous." Hindi ko naman na napigilan at napasigaw nalang.

"MERON KAYA! NAKAKATAKOT KA KA-- " Agad ko namang tinakpan ang bunganga ko. Badtrip! Nakakatakot kasi talaga siya.

*Chuckle*

Napatigil ako nang bigla siyang tumawa.

"Anong tinatawa-tawa mo dyan?" Nakakairita na talaga! Ako kinakabahan, tapos siya? Patawa-tawa lang? Unfair diba?

"H- Hindi *chuckle* ba talaga *chuckle* bagay sakin *chuckle* ang seryoso?" Pinaningkitan ko lang naman siya. Dont tell me, pinagtritripan niya lang ako?

Agad akong tumayo nang..

Oh my Gosh!

Nakalimutan kong namamaga nga pala ang paa ko!

Agad akong napapikit at napakagat sa labi. Ilang segundo na lang makakalips to lips ko na yung sahig.

Waaaah! Ang first kiss ko pala?

Paano na?

*Boooggsh*

Ilang minuto pa ang lumipas at nanatili akong nakapikit.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Where stories live. Discover now