Manhid 3 : Dare or Dare?

483 64 3
                                    

Manhid 3 : Dare or Dare?

Ivy's Pov 

"Talaga Ivy? Naks naman! Naka score na siya!" Pang aasar ni Kaye Ann.

Tinawanan lang naman siya ni Sherwin.

"Anong nakascore dun? 'Di nga siya hinalikan?" Sinamaan ko lang naman siya ng tingin.

Bwiset talaga 'tong bakla na 'to!

"Naalala ko, ang sabi mo namula yung braso mo nung nadikit sa braso niya, diba?" Tumango naman ako sa tanong ni Kaye Ann.

"Hala ka, baka allergy ka sa kanya! Tapos 'pag nadikit ka sa kanya, mamumula ang katawan mo. Paano nalang 'pag naging mag asawa na kayo? " Hindi ko naman napigiling hindi ngumiti dahil sa sinabi ni Kaye Ann.

Mag-asawa?

Kami ni Kurk?

"'Pag nagkataon, gabi-gabing pula ang katawan mo!" Dagdag niya pa sabay ang tawanan nila.

"'Yun ay kung magiging mag-asawa sila." Mas lumakas ang tawanan dahil sa sinabi ni Sherwin.

"Hoy Sherla! Tumigil ka sa mga pinagsasabi mo kung ayaw mong samain ka sakin a!" Inirapan na lang naman niya ako.

Wait, obvious naman diba?

Naikuwento ko na sa kanila yung nangyari. Kahit na antok na antok pa ako ay napasubo na lang rin ako dahil nung nakita nilang sabay sabay kaming pumasok nila Crayon, Keith at Kurk ay ayun, tinadtad na nila ako ng mga tanong.

Nga pala, ngayon na mismo namin gaganapin yung poundation day. Kaya nga busy(ng) busy yung mga higher levels dahil sila ang nag-aasikaso.
Ewan ko nga kung bakit biglaan eh. Ayan tuloy, wala kaming klase at mamayang tanghali pa pinakasisimulan ang openings ng mga booth.

"Ivy! Truth or Dare tayo!" Napalingon ako kila Kaye Ann na ngayon ay nakaupo na sa lapag kasama ang iba pa naming classmates. Tumayo naman na ako at naupo sa tabi niya.

Nga pala, yung paa ko, okay na siya kaninang umaga. Medyo masakit na lang 'pag nasasagi o nababangga.

Kinuha ko ang bottle na nasa sahig.

"Iikot mo na." Sabi ni Sherwn.

" Aba! Maghintay ka. Baka gusto mong sa loob ng bibig mo ko 'to paikutin." Nanlalaki ang mga matang sabi ko.

"Kasi naman, ang tag--"

"Ako na nga! Mag aaway pa kayo e." Sabi ni Kaye Ann at inikot ang bote.

Tumapat naman ito kay Sherwin. Napasimangot siya samantalang binelatan ko lang naman siya.

"Ikaw ang mag utos, Ivy." Ngumisi ako nang nakakaloko tyaka sinabing..

"Mag I love you ka kay Kim tyaka mo halikan sa pisngi." 

"WHAT??" Ngumisi lang ako at pinigilan ang malakas na pagtawa.

"Go! Gawin mo na." Sabi ko na hindi pinapansin ang malakas na sigaw niya.

"No way." Saad niya na umiiling-iling pa.

"Yes way. " Nakangising sabi ko at tinulak tulak na siya.

"Go ahead. Do it. Or else, sumayaw ka nalang ng sexy dance sa harap niya." Mapanuksong sabi ko samantalang tawa lang naman ng tawa si Kaye Ann.

"Fine." Umayos si Sherwin ng tayo at lumapit kay Kim.

"Ya!" Walang modong tawag niya dahilan para mapalingon sa kanya si Kim.

"I love you." Agad nanlaki ang mata ni Kim dahil sa sinabi ni Sherwin.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Where stories live. Discover now