Manhid 46: Information Overload

163 20 11
                                    

Kurk on the side :)

Manhid 46: Information Overload

Ivy's POV

"Kamusta?" Tinaasan ko lang naman ng kilay si Sherwin.

"Bat iniwan mo kami sa baguio?" Nakangusong sabi ni Akira.

"May peras ba kayo rito?" Tanong naman ni Kaye Ann.

Kakagising lang sa akin ni Lance at sinabing nandito daw silang tatlo.

"Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ko at naupo na sa harap nila.

"Umalis ka kasi kagabi ng walang paalam. Kaya naisipan ka naming puntahan." Paliwanag ni Sherwin samantalang tumayo naman si Kaye Ann para pumunta sa kusina.

Maghahanap siguro ng peras.

"Bat ba umalis ka ng walang pasabi?" Tanong pa ni Akira.

"Wala kayo pagbalik ko. So pano ako magpapaalam?" Taas kilay na sabi ko.

Totoo. Umuwi agad ako pagkabalik ko sa tinutuluyan namin. Okay lang naman yun tutal tapos na ang shooting namin doon. Buti nga ay napapayag ko sila Ian na umuwi na kahit malakas ang ulan at gabi na.

Wala rin kaming shooting ngayon at sa mga susunod pang araw. Ang sabi ko sa kanila ay masakit ang katawan ko at ang mga sugat na natamo ko.

Nung hindi pa sila naniwala ay sinabi ko naring may sakit ako. Naniwala naman na sila dahil nakita rin nilang basang-basa ako nang bumalik ako noon sa tinutuluyan namin sa Baguio.
Pinayagan nila akong magpahinga ng ilang araw ngunit pagbalik ko ay magkakaroon ako ng interview with Kurk para sa on-going project namin na 'The Rubaway Bride'. Kailangan kasi ito bago ipalabas sa T.V. ang teleserye namin. Syempre, kailangang hikayatin ang mga tao para panoorin nila ito.

"Bakit hindi mo manlang kami hinintay?"

"Tyaka sabi nila, basang-basa ka daw pagbalik mo. Bakit? Naligo ka sa ulan?" Hindi ko na sinagot pa ang tanong nila at tumingin nalang ako sa cellphone ko.

May ilang text ni Kevin at Nathan ngunit hindi na ako nag-abalang basahin pa.

"Bakit kayo nandito? May pasok a?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Ikaw lang ba ang pwedeng umabsent ha?" Irap ang matang sagot ni Sherwin.

"Yung totoo? Magkwento ka naman Ivy." Napairap nalang ako at masamang tumingin kay Akira.

I know.

Nandun sila.

"What's with the glare?" Nakapout na naman na sabi niya.

"Stop it Akira! Nagsisimula na akong mainis sayo." Seryoso at may bahid ng pagkainis na sabi ko dahilan para mamuo ang luha sa mga mata niya.

"Ivy naman e! You're sacring me." Sabi niya sabay punas sa mga mata niya.

"Just tell her the truth. Na nandoon naman tayo at nanood sa kanila." Nabaling ang atensyon ko kay Kaye Ann na naglalakad na pabalik habang may hawak na peras.

"Fine. Nandun kami kagabi kaya alam namin kung anong nangyari." Inis na sabi ni Akira at nagpapadyak pa.

"I know." Baliwalang sabi ko.

Hinanap ko sila pagbalik ko para sana magpaalam ngunit sabi ng mga tao roon ay nang makita nila sina Kurk at Haley ay iniwan ni Kurk si Haley sa pangagalaga nila upang sundan ako at doon, sumunod din ang barkada sa amin.

"So, kamusta ka na nga?" Tanong pa ni Sherwin.

"I'm fine. Humihinga parin as always." Kibit-balikat na sabi ko.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Where stories live. Discover now