Manhid 56:

122 18 6
                                    

Manhid 56:

Kaye Ann's POV

"W- What are you doing?" Naiilang na tanong ko dahil ang lapit ng mukha niya sa akin.

"'Wag kang malikot. Tatanggalin ko 'yung dumi." Nakangising sabi niya at ang sumunod ko nalang naramdaman ay ang labi niyang nakalapat na sa labi ko.

Nanlalaki ang matang napatigil ako. Ngunit wala pang ilang segundo ang nakalilipas ay nagulat na lamang akong muli nang may humatak sa kanya patayo dahilan ng paghihiwalay ng magkalapat naming mga labi.

"Stay away from my wife, bastard!" Napatili at napatayo ako sa kinauupuan ko nang isang suntok sa labi ang natanggap ni Cyrus.

Gulat na gulat na napalingon ako sa sumuntok kay Cyrus at doon ko nakita ang taong kanina ko pa ikinukumpara sa kasama ko ngayon.

"Allen." Tanging nasambit ko nalang habang hindi makapaniwalang nakatitig sa nanggagalaiting mukha at kuyom ang kamao na si Allen.

Mark Allen's POV

"How dare you kissed her?" Nanggagalaiting pasigaw na tanong ko.

Sinunggaban ko siya saka kwinelyuhan. Pagkaraan ay pinaulunan ng suntok.

"Oh my gosh! Allen, stop it!" Narinig ko ang pagkakagulo ng paligid ngunit wala na akong pakialam.

Nagdidilim ang paningin ko at ang tanging gusto ko lang ay ang makapatay ng tao.

"Allen, please stop it! Sinasaktan mo siya!" Naramdaman ko ang paghawak sa akin ni Kaye Ann sa dalawang balikat ko kaya't napatigil ako. Lilingunin ko na sana siya nang si Cyrus naman ang sumuntok sa akin.

"Ahhh!" Napatili si Kaye Ann nang muntik ko na siyang madaganan dahil sa pagsuntok sa akin ni Cyrus.

"Tang*na mo! Inaano ba kita ha?" Nanlalaki ang matang tanong ni Cyrus at muli akong sinuntok dahilan para ako naman ang mapahiga sa sahig.

"Asawa mo? Asawa mo siya ha? E bat iniwan mo nung nakantot mo na?" Napakuyon ako ng kamao at muling sinunggaban siya.

"Wala kang alam, gago!" Galit na sigaw ko at sinuntok siya.

"Oo nga! Wala nga akong alam. Ang tanging alam ko lang, iniwan mo siya pagkatapos niyang sabihin sayo na buntis siya at ikaw ang ama." Nakangising sabi niya na mas nakapagpainit ng dugo ko.

"Gago ka!" Susuntukin ko na sana siyang muli ngunit may umawat na saming mga guard. Pinaghiwalay nila kaming dalawa.

"Sir, tama na. Gumagawa kayo ng eksena rito." Hindi ko pinansin ang sinabi ng guard at masama ang tingin kay Cyrus na nagsalita.

"Eto ang tatandaan mo Pendleton! Layuan mo ang asawa ko kung ayaw mong sumabog ang mukha mo!" Galit ko pang sigaw habang pilit kumakawala sa mga guards na nakahawak sa dalawang braso ko.

"Asawa mo? E bat nagpapahalik pa sa iba?" Nakangisi na namang tanong niya.

"Tama na, pwede ba?" Nalipat ang tingin ko kay Kaye Ann na ngayon ay pumagitna na sa amin. Halata ang pagkairita at inis sa mukha niya.

Pinilit kong kumalma atsaka kumawala sa guard na nakahawak sa akin. Nang makawala ay lumapit na ako kay Kaye Ann.

"Halika na. Uuwi na tayo." Seryosong sabi ko at hinatak na si Kaye Ann papaalis sa lugar na iyon.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Where stories live. Discover now