Manhid 49:

143 21 5
                                    

Manhid 49:

Third Person's POV

Nakarami rin ng tinawagan si at tinakot si Ivy bago matunton ang lugar na kinaroroonan ni Allen.

Galit na galit na binuksan ng dalaga ang pintuan ng condong tinutuluyan ni Mark Allen. Nawala na sa isip niyang isara pa itong muli dahil sa narinig na boses ng binata.

"What the hell, Cynthia!"

Nilibot niya ang paningin at doon nakita ang isang nakaawang na pinto na mukhang pinang-gagalingan ng boses ni Mark Allen.

Walang sabi-sabing tinahak niya ang daan papunta roon. Samantalang hindi na niya napansin pa ang mga pasimpleng tao na nakikiusyoso.

"I know you want me, Allen." Agad nag-init ang dugo ng dalaga sa narinig na sinabi ng babae.

Padabog na itinulak niya ang pinto at hinatak ang buhok ng babaeng nakahawak sa dibdib ni Mark Allen.

"BITCH!" Malakas na sigaw niya rito pagkaraay pabalibag na binitawan sa sahig. Sa lakas ng impak ay tumilampon pa ang shoulder bag ng dalaga sa isang gilid ng silid.

Lumikha ito ng malakas na tunog na nagpataranta sa mga taong nakakakita.

Ang iba'y bahagyang nagsilayo at karamihan naman ay kumuha ng video at litrato.

"OUCH! WHAT THE HELL IS YOUR PROBLEM?" Galit na galit na tanong sa kanya ng babaeng nagngangalang Cynthia.

Samantalang tiimbagang na inupuan siya ni Ivy habang siya ay nakahiga sa sahig.

"Ahhh!" Pumilit kumawala ni Cynthia sa pagkakadagan sa kanya ni Ivy ngunit marahas na hinawakan lang nito ang dalawang braso niya at inilagay sa magkabilang gilid ng ulo niya.

"You're asking me kung anong problema ko?" Nagtitimping tanong niya.

"IKAW 'YON, G*GO!" Wala ng pakialam pa si Ivy sa mga susunod na maaaring mangyari.

Alam niyang mapag-uusapan na naman ito ng mga tao ngunit wala na lamang ito sa kanya. Tutal ay sanay na rin naman siya na topic siya ng media dahil kay Haley.

At tanging ang imahe na lamang ni Kaye Ann na humahagulgol ang nag p- pop-up sa isipan niya kaya't nadadala na siya ng emosyon.

Isa lang ang nasa isip niya. At iyon ay ang makaganti kay Mark Allen at sa malanding babaeng nasa harapan niya.

"Alam mo? I really want to slap you, but I don't want to get slut on my hand!" Nanggigigil na sabi ng dalaga.

"Kung libro ka lang e! Kung libro lang ang malalanding kagaya mo, sh*t. Best-selling ka!" Nanlalaki ang matang tinitigan siya ni Cynthia.

"What did you just say?" Hindi makapaniwalang tanong nito. Sa galit ay nakawala siya sa pagkakahawak ni Ivy at agad sinabunutan ito ngunit wala pamang ilang segundo ay nasikmuraan na siya ni Ivy.

"AHHHHHHHHH!" Napabitaw siya sa pagkakahawak sa buhok ni Ivy at napahawak sa sariling tiyan sa sobrang sakit.

"IVY!" Agad hinawakan sa bewang ni Mark Allen si Ivy at inalis sa pagkakadagan kay Cynthia.

"LET ME GO, ALLEN!" Puno ng galit na sigaw ng dalaga.

"Please stop it, Ivy. You're making a scene!" Galit na galit na tinanggal ng dalaga ang pagkakahawak ng binata sa bewang niya at masama ang tingin na hinarap niya ito.

"Stop it? You're telling me to stop it?" Nagsimulang tumulo ang luha niya.

"Hindi mo alam kung gaano kasakit para sakin na makita ang bestfriend ko na humahagulgol gabi-gabi dahil lang sayo! Pero anong ginagawa mo? Nakikipaglandian ka lang sa hitad na 'to!" Nanggagalaiting sabi niya at itinuro pa ang lumuluha naring si Cynthia.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن