Manhid 38: Broken Hearts

113 21 3
                                    

JN's Note:

Eto na Scarlet! Nandito ka na mismo. Drama pa! HAHAHA. Salamat sa paghihintay Be. :* Iloveyou and thankyou sa lahat. :*

PS: Sorry sa typo. Hindi ko na ie-edit.

Manhid 38: Broken Hearts (Scarlet's Part)

Ivy's POV

*Tok, Tok, Tok*
(Sorry for the cheap sound effect.)

Napatingin ako sa pintuan nang may kumatok.

Kanina pa nakaalis sila Kaye Ann dito sa hospital. Si Maxine naman, pinatawag ni Ian. Babalik din naman daw siya agad.

"Come in." Sabi ko at ibinalik na ang atensyon ko sa T.V.

Grabe lang talaga. Hindi ako tinantanan nung dalawa kanina. Hindi sila makapaniwala na may girlfriend si Kevin.

"I'm sorry. Kanina pa dapat ako nandito, kaso nasiraan ako." Liningon ko ang nagsalita at nakita si Kevin.

"It's okay. Hindi ka na nga dapat pumunta. Gabi na at may pasok ka pa bukas." Umupo siya sa tabi ko.

"Are you okay? Nahospital ka na naman dahil diyan sa babaeng 'yan." May bahid ng galit na sabi niya.

"I'm fine. Kanina pa ako ayos. Nakausap ko na nga sila Kaye Ann."

"Where's Maxine? Dapat binabantayan ka niya, hindi ba?" Palingon-lingon na sabi niya na tila ba hinahanap si Maxine.

"Pinatawag siya saglit ni Ian. Pero babalik din naman daw siya." Napatango-tango nalang naman siya.

Nagkaroon ng saglit na katahimikan.

Umayos siya ng upo kaya lumundo ang kama.

Hinawakan niya ako sa dalawang braso at tinitigan ng seryoso.

"Listen, Lyreen." This time, hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko at hinawi ang ilang piraso ng buhok kong nakakalat sa mukha ko.

"I want you to stay away from Haley and that guy named Kurk." Nangunot ang noo ko.

"Hindi naman ako lumalapit sa kanila."

"I know. But if they try to catch you up, lumayo ka na. Okay?"

"How can I do that? Katrabaho ko sila, alam mo 'yan."

"Alam ko. Pero kasi--" Pinutol ko na ang sinasabi niya at tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso at pisngi ko.

"Why are you acting so weird lately?"

"W- What do you mean about w- weird?" Napansin ko namang bigla siyang nataranta.

"What is really happening, Kevin?" Bumuntong hininga siya at umayos ng upo.

Tinitignan niya ako saglit at bumuntong hininga ulit.

"Lyreen, the truth is.." Nagsimula akong kabahan nang magseryoso siya.

Madalas naman siyang seryoso pero kakaiba 'to. I don't know why.

Bumuntong hininga siya for the nth time kaya naman nagsimula akong mairita.

"Ano ba talaga Kevin?" Inis na sabi ko.

"Ano ba talaga yung sasabihin mo?" Dagdag ko pa ngunit napatigil nalang ako nang magsalita na siya at sabihin ang totoo.

How I wish na hindi ko nalang siya tinanong.

"Gusto kita, Lyreen." Saglit akong napatanga dahil sa sinabi niya.

Hindi ako nakapagsalita at tila nanigas ako sa kinauupuan ko.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon