Manhid 54: War in the Bar.

224 21 9
                                    

Manhid 54: War in the Bar.

Ivy's POV

"So, ano? Hindi parin kayo papasok bukas?" Tanong ni Akira na kausap namin ngayon sa telepono. Hapon na at siya lang ang pumasok ngayon araw sa aming magbabarkada.

"Hindi ako pwede. May interview pa kami." Sagot ko.

"May event akong pupuntahan bukas, ako kinuhang tagamake-up." Dahilan naman ni Sherwin.

"Tinatamad ako." Napatitig nalang naman kami kay Kaye Ann dahil sa sagot niya.

"What?" Taas kilay na tanong niya nang mapansing nakatingin na kami sa kanya.

Napailing-iling nalang naman ako.

"Pero may test tayo sa susunod." Malungkot na sabi ni Akira.

"Magreview nalang tayo mamaya. Over night. Punta kami sa inyo." Sabi ni Sherwin.

"Can't go. I have plans for tonight." Sabi ko naman.

"San ka naman pupunta?" Kunot noong tanong ni Kaye Ann.

"Kevin just texted me. Magkita daw kami sa **** Bar. Matagal ko narin siyang hindi nakikita kaya pupunta na ako." Napatango-tango nalang naman sila.

Simula nang mangyari yung sa hospital, nawalan na ako ng balita sa kanya. Tinetext at trinatray niyang kausapin ako gamit ang phone ko pero hindi ko naman siya sinasagot.
Madalas din siyang nagpupuntang bahay ngunit hindi ko nilalabas o pinapapasok.

"How about Scarlet? Kamusta na siya?" Tanong ni Sherwin na kinabit balikatan ko nalang.

Pati kay Scarlet, wala rin akong balita. Last na pagkikita at pag-uusap namin ay noong nalaman ko na buntis si Kaye Ann at best friend niya si Haley.

"Oy, nga pala! Si Thea. May dinedate daw." Nakuha naman ni Kaye Ann ang atensyon namin dahil sa sinabi niya.

"Sino naman?" Usisa ni Sherwin.

"Malay ko. Nabasa ko lang sa dyaryo. Nasa America daw 'yun ngayon e."

"Nasa America? Puntahan kaya natin siya?" Suhestiyon ni Akira.

"Bakit pa?" Kunot-noong tanong ni Sherwin.

"Sabi kasi ni Kurk, madalas na wala sa sarili si Keith simula nang mawala si Thea." Paliwanag ni Akira.

"Paano ka naman nakakasigurado na si Thea ang dahilan? Malay mo si Ivy. We all know na baliw na baliw si Keith kay Ivy simula pa nung mga bata tayo." Napairap nalang ako dahil sa sinabi ni Sherwin.

"But seriously? May dinedeyt na siya ngayon? Pero one week palang siyang nakakaalis ng bansa." Sabi ni Akira na nakapagpaisip din sa akin.

Sobrang bilis naman nga ata.

"Mahal pa niya si Keith ng lagay na 'yan a?" Tila nang-iinsultong sabi naman ni Sherwin.

"Oo nga pala! Naalala mo Kaye Ann nung pumunta ka sa bahay at sinabing hiwalay na kayo ni Allen?" Tanong ko.

"Why mention it?" Iritang sabi niya na halatang bitter pa. Napangiwi nalang ako.

"Nung gabi kasi ng araw na 'yon, nakipagkita ako kay Elmo at Keith. Lasing na lasing si Keith 'tas banggit siya ng banggit sa pangalan ni Thea." Pagkukuwento ko.

"Then that's it! Maybe narealize na ni Keith na gusto niya si Thea." Kinikilig na sabi ni Akira over the phone.

"Who knows? Baka mahal na niya talaga." Dagdag pa niya.

"Poor Keith. Kasalanan rin naman kasi niya." Sabi naman ni Kaye Ann.

"Oy, oo nga pala Sherwin! Kamusta na kayo ni Stacy? I want to talk to her personally." Kinikilig ulit na sabi ni Akira na naging dahilan para si Sherwin naman ang mapairap.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon