Manhid 27: Interview (Part One)

180 29 0
                                    

Manhid 27: Interview (Part One)

Ivy's POV

"Ano ka ba naman ba, Ivy! Naiwan lang kami saglit sa America, nagkagulo-gulo na!"

*Meet Maxine Buenavista. Ang Personal assistant ko.

"Susme naman! Bat mo naman hinayaang magkaganito?"

*Meet Ian San Jose. Ang manager namin ni Kevin.

"Kailangan mong magpainterview ngayon din." Di makapaniwalang napatitig nalang ako kay Ian.

Kakarating lang nila galing America. Marami kasi silang inasikaso sa pagalis namin dun ni Kevin kaya naman sila ang naiwan.

"Alam mo namang ayaw ko ng interview." Irap ang matang sabi ko.

"Pero kailangan mo! Sino bang may kasalan nito?" Nangigigil na sabi niya at ipinagdukdukan pa sa akin ang dyaryong hawak niya.

"Ako ba?" Seryosong sabi ko.

Hindi ko naman kasalan. Bakit parang ako ang sinisisi nila?

"Hindi naman sa ganon, Ivy." Nasabi na lang naman ni Maxine nang hindi na makapagsalita pa si Ian.

"Ang gusto lang naman naming mangyari ay magpainterview kayo ni Kevin. Sunod-sunod na ang balitang umuusbong! Tulad nito." Sabi niya at pinakita sa akin ang dyaryong may litrato namin ni Nathan.

"Ang sabi dyan, pagkauwing-pagkauwi mo ay nakipagdate ka daw sa Nathan Bernardo na 'yan." Idinuro-duro niya pa ang litrato ni Nathan na nakapost sa dyaryo.

"Oh tapos?" Taas kilay na sabi ko dahilan para kagatin niya na lang ang ibabang labi niya.

"Nagkakaroon na kayo ng issue for pete's sake! Ginagawan nila kayo ng issue! Isa pa 'to!" Asar na asar na sigaw ni Ian at ibinaba naman sa lamesang nasa harap ko ang dyaryong naglalaman ng litrato namin ni Kurk na nasa building ng condo niya.

"Marami ang nagalit sayo dahil dyan! Kasama mo ang isang sikat na lalaking may girlfriend na sa mismong condo nito. At worst, dis oras pa ng gabi! Kahit ako, hindi ko maiwasang isipan ka ng masama." Hawak ang noong paliwanag ni Ian.

"What about Kevin?" Agad silang napatingin sa akin.

"Kasama ko si Kevin sa iisang bubong for almost 4 years!" Di nakapagpigil na ring sabi ko.

"Iba naman 'yon. Iba si Kevin. Iba si Kurk!" Ubos ang pasensyang sabi pa niya.

"Pareho lang 'yon! Pareho lang silang lalaki na may girlfriend na!"

For pete's sake! Pati ako pagod na!

Pagkarating na pagkarating ko palang dito sa school ay pinagrambulan na ako ng mga reporters. Idagdag mo pa ang paghatak nila sa akin dito sa pesteng practice room nila Crayon at pagsigaw-sigaw nila sa akin!

"Please tama na, okay?" Di malaman ang gagawing pagsaway sa amin ni Maxine.

Napabuntong hininga na lang naman ako.

"Fine. Magpapainterview na ko." Pilit na sabi ko dahilan para mapangiti si Ian.

"Iready mo na ang schedule ni Ivy, Maxine." Tumango lang naman si Maxine at nginitian ako na tila ba sinasabing tama ang naging desisyon ko.

"Aalis na ako. May klase pa ako." Nasabi ko na lang naman at walang kagatong-gatong na nilisan ang lugar na iyon.





"WHAT? Pinilit mo syang pigilan kang umalis noon? That is so messed up." 'Di makapaniwalang sabi ni Akira.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Where stories live. Discover now