Manhid 45: In The Rain

125 22 6
                                    

Ivy on the side :)

Manhid 45: In The Rain

Third Person's POV

Nanlalabo man ang mata ay patuloy na tumatakbo lamang si Ivy.

Gusto niyang makalayo.

Makalayo sa sakit na nararamdaman niya at sa taong nagpaparamdam sa kanya nito.

Nanlalabo na ang mata niya at hindi na niya alam kung nasaan siya.

Papasok siya sa isang lugar kung saan mapuno at madamo ngunit hindi na niya inalala pa na baka maligaw siya dahil tanging ang sakit na nararamdaman niya lamang ngayon ang naiintindihan niya.

Nadapa siya at nakaramadam ng pananakit ng katawan ngunit tumayo lang siyang muli at tumakbo na tila ba may humahabol sa kanyang masamang tao.

Muli siyang nadapa at patayo na sana ngunit napaupo lang siyang ulit.

Napahagulgol siya kasabay nang pagbuhos ng malakas na ulan.

Nakaramdam siya ng paghapdi ng buong katawan. Sa noo, braso at ang hita niya na mayroong sugat ay humahapdi dahilan para mas mapaiyak siya.

"You're hopeless Ivy! YOU'RE DAMN HOPELESS!" Pinagpapalo niya pa ang binti niya habang lumuluha.

"Bakit ba nangyayari sakin 'to?" Halos pabulong na sabi niya.

"BAKIT HA? BAKIT? AHHHHHHHHHHHHHHHHH!" Wala siyang ibang nagawa kundi ang sumigaw habang nauulanan.

"Lyreen." Hindi na kailangan pang lumingon. Alam na niya kung sino ang tumatawag sa kanya.

Lumapit ito sa kanya at pinayungan siya. Lumuhod ito sa tabi niya at tutulungan na sana siya nitong tumayo ngunit tinabig lang niya ang kamay nitong may payong kaya't tumilampon ito sa sahig dahilan para mabasa silang pareho ng ulan.

"Bumalik na tayo, Lyreen." Umiling-iling lang ang dalaga habang nakayuko.

"Hindi ko alam Kurk. Hindi ko alam." Muling tumulo ang luha niya na hindi mo na mahahalata dahil nasasabayan na ito ng buhos ng ulan.

"Pagod na pagod na ako." Napahikbi pa siya ng maraming beses bago nagsalitang muli.

"Pagod na pagod na akong umasa sayo."

"Alam mo naman diba? Alam mo naman na gutso kita noong una palang. Noong bata pa tayo para kang gulong. Paikot-ikot! Minsan pakiramdam ko, gusto mo ako. Tapos minsan naman, pakiramdaman ko may cancer ako dahil sa tindi ng pag-ayaw mo sa akin. Ang sakit mong magsalita. Noon man o ngayon, matabil ang dila mo. Naalala mo noon? Sinabihan mo ako na hindi mo ako magugustuuhan (Manhid 6: Same Ring)." Tumigil ito sa pagsasalita at tumingin sa ibang direksyon.

"G- Ganyan ka ba talaga Lyreen? Nung hindi kita pinatulan, si Keith ang pinuntirya mo. Tapos ngayon nakikipag landian ka sa mas matanda pa sayo?"  (Manhid 12: Heart Break)

Saglit na natulala ang binata dahil sa narinig na sinabi ng dalaga.

"Iyan ang eksaktong sinabi mo rin sa akin nang makita mo ako kasama ang kuya ko na anak ni Daddy sa ibang babae hindi ba?" Napakagat labi ang dalaga upang mapigilan ang muling pagtulo ng luha niya.

"Pero pinatawad kita, hindi ba? Umasa akong muli na pipigilan mo ako nang papunta na kaming America. Sana pala hindi na ako nakinig sayo noon. Dahil pinaasa mo lang naman ulit ako."

"H- Hindi ganoon ang intensyo--"

"Hindi ganon ang intensyon mo pero ganon ang nangyayari! Ganon ang nangyayari Kurk at ganon ang nararamdaman ko!" May galit na sabi ng dalaga at masama ang tingin na tinitigan na ang binata. 

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz