Manhid 22: The Deal

247 37 2
                                    

Manhid 22: The Deal.

Third Person's POV

Ngiting-ngiting pumasok si Ivy samantalang kabado namang pumasok si Nathan.

Halatang hindi ito mapakali dahil kanina pa ito palinga-linga.

Kinakabahan siya dahil baka matalo siya sa deal at alilain siya ng kasamang dalaga.

Sana lang talaga ay umubra ang pakiusap niya sa organizer nitong booth. Bago kasi sila pumasok ay palihim na kinausap ni Nathan ang baklang organizer ng naturang booth.

Sinabi nitong magdagdag pa ng makakapanakot at puntiryahin si Ivy. Inarkila niya pa ang buong horror booth para wala ng pumasok na iba at para mapunta ang atensyon ng lahat ng pananakot kay Ivy.

Nagsimulang pagpawisan ng malamig ang binata ng nasa gitna na sila ng naturang booth ay wala pa ring nangyayari.

"Pssst." Nangunot ang noo ni Ivy nang may kakaibang marinig.

"Pssst." Ilang minuto pa ang lumipas ay paulit-ulit niya itong naririnig.

"Naririnig mo ba 'yon, Nathan?" Kunot-noong tanong niya sa katabi.

"Hindi." Naririnig man ay pinili na lamang magsinungaling ng binata.

Kahit na alam ni Ivy na isa lamang iyong panakot ay di niya maiwasang kilabutan. Kakaiba kasi ang tinig nito at tila ba nasa likod lamang nito ang nagsasalita sa sobrang linaw ng boses.

Kinakabahang huminto ang dalaga sa paglalakad saka dahan-dahang tinignan ang likuran. Nakahinga siya ng maluwag dahil wala syang nakita.

Lalakad na sana syang muli nang bigla na lang may humawak sa paa niya.

"Sh*t!" Sa sobrang gulat ay di nito naiwasang mapamura at 'di sinasadyang naapakan niya ng malakas ang kamay nito. Ang sunod niya na lamang narinig ay ang malakas na paghiyaw ng 'di kilalang tao dahilan para mapakagat labi siya.

"S- Sorry." Nagaalinlangang sabi niya. Hindi niya naman talaga ito sinasadya. Nagulat lang talaga ang dalaga.

Tinulungan niya itong makatayo pero umiwas lang ito.

"Huwag na po. Sanay na po ako." Malumanay na sabi ng babaeng nakasuot ng puro puti at may mahabang buhok. Agad namang nakonsensya ang dalaga.

'Hindi ko naman talaga sinasadya.' Pilit pa nito sa sarili niya.

"Hayaan mo na. Tara." Hindi pa man siya nakakaimik ay hinatak na siya ni Nathan.

Tahimik lang silang naglalakad nang mapansin nyang parang walang ibang tao. Wala kasing ibang sumisigaw.

'Kami lang ba ang narito?'

Kahit na malalim ang iniisip ay napansin pa ng dalaga ang isang mannequin na tumayo sa isang kabaong.

'Masyadong malapot ang kulay ng dugong ito.' Sa isip isip ng dalaga na ang tinutukoy ay ang dugong pumapatak-patak mula sa bunganga ng mannequin. Nagawa pa ng dalagang titigan ito dahilan ng pagkaasar ng kasamang binata.

'Hindi nga talaga siya marunong matakot.'

Buntong hiningang nasabi na lamang ni Nathan sa isip niya.

Sa totoo lang ay kanina pa siya kinikilabutan sa mga naririnig at nakikita. Meron kasing tunog ng batang umiiyak, may tumatawa at kung ano ano pa. Meron namang bigla bigla nalang susulpot na mannequin at kung minsa'y may nararamdaman din syang kung anong tumutulo.

Ewan niya ba kung bakit hindi manlang tinatablan ng takot ang naturingang kasama.

Unti-unti nang nawalan ng pag-asa ang binata samantalang ngiting-ngiti naman ang dalaga nang makita nila ang liwanag mula sa 'di kalayuan.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora