Manhid 31: Pictorial

125 23 7
                                    

Manhid 31: Pictorial

Ivy's POV

"Make it more reliable, Ivy and Kurk."

T*ngn*ng reliable 'yan! Peste. Kung hindi lang talaga ako nakapirma na sa kontaratang nagsasaad na tinanggap ko ang proyektong ito ay aatras ako e.

"Closer Ivy and Kurk, closer." Napakagat labi ako nang maramdamang mas dumikit pa ang katawan ni Kurk sa katawan ko.

Sa tingin ko ay pwedeng-pwede ko ng suplayan ng kuryente ang buong lugar na ito dahil sa nararamdaman ko ngayong magkalapit na magkalapit ang katawan namin ni Kurk.

Kahapon ay nakapirma at naaral na namin lahat ang script at pinababalik kami ngayon ni Direktor Jayson dahil ngayon kami magpipictorial at magrerecordings. Kaya eto ako ngayon, mamatay-matay na kasama si Kurk.

Nakahawak ang kanang kamay ko sa kaliwang pisngi ni Kurk at ang kaliwang kamay ko naman ay hawak ang kanang balikat niya. Samantalang nakahawak naman ang kanang kamay ni Kurk sa kaliwang pisngi ko at ang kaliwang kamay niya naman ay nakapulupot sa bewang ko.

"Focus Ivy, focus!" Kung pwede lang sapakin ang Direktor na 'to ngayon din, kanina ko pa 'to sinapak. Tarages!

Lumunok ako at nagfocus sa ginagawa ko.

'Trabaho lang Ivy. Walang personalan!'

Tinignan ko ng mabuti si Kurk na ngayon ay titig na titig rin sa akin.

*Lub Dub Lub Dub*

Kakasabi ko lang 2 weeks ago na mas maganda kung hindi magtatagpo ang landas namin pero tignan mo nga naman kung ano ang nangyayari ngayon. Halos magyakap na kaming dalawa sa haral ng maraming tao.

Napabuntong hininga ako.

Oo't sinabi kong umasta kaming tila hindi magkakilala ngunit naiilang parin ako sa kanya talaga. Syempre naman diba? Nagkasundo kaming umarte na hindi magkakilala pero hindi naman ako nagkaamnesia para hindi maalala lahat ng nangyari saming dalawa.

*Click, Click*

"Very good, very good." Pumapalakpak na sabi ni Director Jayson.

"Pwede mo na siyang bitawan, Ivy. Hawakan mo nalang siya sa dalawang balikat at ikaw Kurk ay hawakan mo pataas ang baba niya. Hapitin mo siya sa bewang." Nakaramdam ako ng panibagong daloy ng kuryente ng hawakan ni Kurk ang baba ko at iangat ang tingin ko sa kanya.

Ramdam na ramdam ko ang hininga niya.

*Lub Dub Lub Dub*

"Act like you're going to kiss each other." Napapikit ako nang hapitin pa niya mas lalo ang bewang ko papalapit sa kanya.

Tila mahihiya ang hangin na dumaan sa pagitan namin.

*Lub Dub Lub Dub*

*Click, Click*

"You've got it, Ivy!" Pasimple akong napairap dahil sa sinabi ni Direct.

Tarages! Hindi ko naman sinasadyang mapapikit.

"Okay. Enough with that. Pumunta ka naman sa likod ni Ivy, Kurk. Yakapin mo siya mula sa likod." Naramdaman ko nalang ang pagpulupot ng dalawang braso ni Kurk sa bewang ko. Awtomatikong napaliyad ang ulo ko papuntang kaliwa ng ipatong niya ang baba niya sa kanang balikat ko.

Nakaramdam pa ako ng pagkakiliti nang maramdamang dumampi ang labi niya sa leeg ko.

*Lub Dub Lub Dub*

Napapitlag ako.

Magrereklamo palang sana ako nang maunahan ako ni Direct.

"Oh My Gosh! Nakuha mo ang gusto kong anggulo Kurk!" Ako lang ba o talagang kinikilig ang tono ng boses niya?

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora