Manhid 34: Danger

174 25 5
                                    

Manhid 34: Danger

Ivy's POV

"Ivy." Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita si Keith.

Kakatapos lang ng taping namin at binigyan kami ng panandaliang break bago magtaping ulit.

Sabado ngayon at may kanya-kanya kaming schedule. Wala sina Sherwin, Akira, at Kaye Ann ngayon dito dahil kami lang naman talaga nila Nathan, Kurk, at Haley ang magtataping ngayon.

"Yes?" Pilit ang ngiting tanong ko.

Akala ko kapag nakita ko si Keith ay hindi ako maninibago dahil may dahilan naman kung paano niya nagawa iyon pero hindi pala. Parang nagaalinlangan ako ngayon. Siguro ay dahil sa isipang siya ang lalaking humalik sa leeg ko at tinanggalan ako ng butones noong isang araw.

Napailing-iling ako.

Kalimutan mo na iyon, Ivy! Hindi niya rin naman iyon ginusto.

"Pwede ba kitang makausap?" Saglit akong napatigil dahil sa tanong niya. Mukhang napansin niya naman na tila ba nagaalinlangan ako kaya nagsalita siyang muli.

"Promise! Wala akong gagawing masama sayo." Napatawa nalang ako nang makitang nataranta siya.

Siya parin talaga ang Keith na kilala ko simula noong bata pa.

"Ano bang sasabihin mo?" Naupo siya sa harap ko at hinawakan ang dalawang kamay ko na nakapatong sa lamesa.

"I'm sorry Ivy. I'm really sorry." Napatitig ako sa mga mata niya na puno ng sinseridad. Napangiwi nalang din ako nang makita ko ang sandamakmak na pasa niya. Ngunit nangingibabaw ang sugat niya sa gilid ng labi at ang malaking blackeye niya sa mata.

"Wala ka namang kasalanan. Although, alam kong nagustuhan mo iyon dahil matagal mo na akong pinagnanasaan, hindi parin ako magagalit sayo." Pabirong sabi ko dahilan para mapatawa siya.

"Lakas mo rin e 'no?" Binitawan na niya ang kamay ko at muling nagseryoso.

"Seriously, I'm sorry. Sana huwag magbago ang tingin mo sakin dahil sa nangyari." Bakas na bakas sa mukha niya ang pag-aalala kaya naman nginitian ko nalang siya.

"Huwag kang mag-alala. Ikaw parin ang baliw na Keith na kilala ko." Sabi ko at tumawa pa dahilan para mapangiti siya.

"Masaya ko dahil hindi ka naiilang sa akin." Tumango-tango nalang ako at maya maya pa ay nagkaroon na ng katahimikan.

"Keith." Napagpasyahan kong basagin ang katahimikan nang may maalala ako.

"Yes?"

"Naalala ko lang. Tinatanong mo ako kung bakit siya pa at hindi nalang ikaw diba?" Saglit na nangunot ang noo niya pero maya maya pa ay naging seryoso na naman ang mukha niya.

"Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Ikaw ba, alam mo? Alam mo ba kung bakit ako parin ang gusto mo kahit si Thea naman ang nagmamahal sayo? Alam mo ba kung bakit ako parin ang hinahabol mo kahit si Thea naman ang nandyan para sayo?" Natigilan siya at hindi nakasagot kaya't ipinagpatuloy ko ang sinasabi ko.

"Masyadong magiging madali ang buhay kung ang mamahalin mo ay ang taong nagmamahal sayo. At isa pa, hindi natuturaan ang puso Keith. Alam kong alam mo iyan." Tuamango-tango siya at ngumiti.

"Excuse me. Ivy, magsisimula na ulit ang taping niyo." Napalingon kaming parehas ni Keith sa nagsalita.

"Susunod na ako Maxine." Tinanguan niya lang naman ako at umalis na. Samantalang muli kong ibinaling ang paningin ko kay Keith na ngayon ay nakatingin ng muli sa akin.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang