Manhid 52: A Night With Them.

151 22 30
                                    

Manhid 52: A Night With Them.

Ivy's POV

"Umuwi na nga kayong dalawa." Inis na sabi ko at naupo na sa sofa.

Kaming tatlo nalang ang tao rito sa baba dahil nag-akyatan na sina Mama.

"Ivy naman. Ngayon na nga lang kita ulit nakita e." Nakapout na sabi ni Nathan at umupo na sa tabi ko.

"Babalik na naman ako bukas sa trabaho. Kaya makikita ko na naman ang nakakasawang pagmumukha mo."

"Eeeh. Gusto ko paring magstay." Magsasalita pa lamang sana ulit ako nang magsalita na si Kurk.

"Tungkol saan itong 'Knock Knock'?" Tinignan ko siya na ngayon ay hawak na ang CD'ng Knock Knock ang title.

"Don't tell me balak niyong makinood lang dito?"

"Oh! Maganda 'yan. Manood tayo buong gabi." Ngiting-ngiting sabi ni Nathan at tumabi na kay Kurk.

Naghanap siya ng balang pwedeng panoorin at hindi pa nakuntento, ikinalat pa ang mga bala sa semento.   --____--

"Tigilan niyo na nga 'yan. Umuwi na kayo." Inis na sabi ko at naghalukipkip pa. Tamad na tamad na ipinatong ko ang dalawang paa ko sa lamesita.

"Etong 'Way Back Home' nalang panoorin natin." Sabi ni Nathan na agad namang inayawan ni Kurk.

"Ang bakla mo naman." Sabi ni Kurk na patuloy parin sa paghahanap ng mapapanood.

"Anong sabi mo?" Inis na sabi ni Nathan.

"Etong 'The Corpse of Ana' nalang." Suhestiyon ni Kurk na hindi pinapansin si Nathan.

"Horror 'yan. Gusto mo bang matakot si Ivy? Isa pa, bastos 'yan! Papanoorin mo pa si Ivy ng bastos." Nakangising sabi ni Nathan na inirapan lang naman ni Kurk. Humarap pa sa akin si Nathan at kumindat. Napairap nalang naman ako.

"Etong 'Knock Knock' na nga lang! Mukhang maganda." Tuwang-tuwang sabi ni Nathan na binatukan naman agad ni Kurk.

"Gago! Mas bastos pa nga 'yan kesa sa 'The Corpse of Ana' e. May threesome nga diyan e!" Agad namula si Nathan dahil sa sinabi ni Kurk.

"Pano mo nalaman?" Tanong ko dahil kanina lang ay tinatanong pa niya ako kung tungkol saan ba iyong 'Knock Knock'.

"Binasa ko 'yung nasa likod." Balewalang sabi niya.

"Sorry naman. Malay ko bang bastos din pala 'yan." Namumula ang pisnging sabi ni Nathan sabay iwas ng tingin.

Ang cute niya.

*Lub Dub Lub Dub*

Napailing-iling ako kasabay nang paghawak ko sa dibdib ko.

"Etong 'The Breakup Playlist' nalang ang panoorin natin." Suhestiyon ulit ni Kurk.

"'Wag 'yan. Panget 'yan. Bakla naman si Piolo e." Irap ang matang sabi ni Nathan.

"Etong 'Just The Way You Are' nalang."

"Corny 'yan. Etong 'A Second Chance' nalang."

"Kadiri naman 'yan e. Etong 'The Prenup' nalang."

"'Di ko gusto si Sam Milby."

"'Wag kang ano, 'di ka rin niya gusto."

Napairap nalang ako dahil sa pagsasagutan nila.

"NBSB nalang."

"Mag 'Etiquette for Mistresses nalang tayo."

"P*tang*na niyong dalawa! Mag'Special A' nalang tayo." Inis na sabi ko.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora