Manhid 20: The Force Date (Part One)

348 41 3
                                    

JN's Note:

Sorry kung hindi nyo po maiintindihan o mahirapan kayong intindihin ang chapter na 'to. Hindi po kasi ako sanay o murunong magdescribe ng kung ano ano.

P.S.
Sorry sa typo. Hindi ko na ieedit.

Manhid 20: The Force Date (Part One)

Ivy's POV

"What the hell are we doing here?" Gulat na gulat na sabi ko dahilan para tumawa siya.

"Mag de- date tayo diba?" Natatawa-tawang sabi niya.

"Seriously?" Di makapaniwalang tanong ko na tila ba sinasabing 'Bakit dito pa?'.

"Anong masama sa perya?" Kunot noong tanong niya na tila ba disneyland ang kinaroroonan namin.

"Where are we ba?" Tanong ko at tumingin sa soot kong relo.

7:33 na. Kaninang naglalaba ako ay 6:30 pa lang. Isang oras ang byahe? Kaya pala parang flat na ang pwet ko sa sobrang tagal kong nakaupo dito sa kotse niya.

"Wag ka ng magtanong. Bumaba na lang tayo." Nakangiting sabi niya.

"What? Are you insane?" Di makapaniwalang sabi ko. Malamang ay sa oras na bumaba ako sa kotseng 'to ay dudumugin ako ng mga tao.

Hindi naman sa nagmamaarte ako, pero kasi, wala rin ako sa mood makihalubilo sa mga tao ngayon.

"Dudumugin lang nila tayo." Nagmamaktol na sabi ko.

"Don't worry. I can handle this. Trust me." Nakangiting sabi niya.

'Trust him, trust him. Paano ko siya mapagkakatiwalaan e hindi naman talaga kami lubusang magkakilala?'

"Let's go." Bumaba siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Inilahad niya ang kamay niya dahilan para mapakunot ang noo ko.

"What was that for?" Taas kilay na tanong ko pero hindi siya sumagot at kinuha niya lang ang kamay ko at ginabayan ako sa paglabas ng kotse.

Napalingon ako sa paligid at unang bumungad sa akin ay ang mga street foods na binebenta sa harap nitong peryaan.

Nangunot ang noo ko nang makitang nakatitig lang sa amin ang mga tao sa labas. Tila ba nagniningning ang mga mata nila. Next thing I knew ay nagtitilian na ang mga kababaihan at sari-sariling labas na sila ng camera.

"Kyaaah. Ang gwapo ni Nathan."

"Si Shanaia 'yun diba? Ang ganda niya."

"Bakit kaya sila magkasama?"

"Wag mong sabihing magkadate sila?"

"Mag-on ba sila?"

"Infairness, bagay sila."

"Sayang. Hindi tayo pwedeng magpapicture."

Nangunot ang noo ko dahil sa napakaraming dahilan.

'Paano siya nakilala ng mga tao? Bakit hindi sila pwedeng magpapicture? Bakit hindi sila lumalapit sa ami-''

"Tara na." Nabalik ako sa reyalidad nang maramdamang hinawakan ni Nathan ang kamay ko at hinila niya na ako.

Halatang ilag ang mga tao sa amin na nagpakunot ng noo ko. Kung normal 'to, malamang ay dinumog na nila kami.

Huminto kami sa pinakaentrance nitong perya. Kinausap niya yung babaeng nag-aasikaso sa mga nagbabayad para sa entrance.

Napairap na lang ako nang makitang kilig na kilig yung babae.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Where stories live. Discover now