Manhid 35: Kevin's Girlfriend

155 21 11
                                    

JN's Note :

Kung binabasa man ito nung mga kaklase kong bwiset, haype kayo. HAHAHAHAHA. Nway, AUDREEEEEY! Paparating ka na, wait ka lang. Next chapter nandun ka na mismo. HAHAHA. Maiksi lang ata 'tong chapter na 'to at walang kwenta kaya sorry. HAHAHAHA. As a pambawi, yung next chapter sobrang haba. Tamarin sana kayo magbasa. HAHAHAHA. Actually, kasama lang sana 'to ng next chapter kaso sobrang haba nga kaya ibinawas ko na 'to. Hope you like it kahit na alam ko ng lame 'to. HAHAHAHA

PS: Sorry sa typo. Hindi ko na ieedit.

Manhid 35: Kevin's Girlfriend

Kevin's POV

Nagsimula akong maglakad pabalik-balik nang hindi ko parin macontact si Lyreen.

Gabi na pero wala parin siya. Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi ko naman siya macontact. Sinubukan ko naring tawagan si Maxine pero hindi naman siya sumasagot. Nag-aalala na ako.

*You can be the peanut butter to my jelly
You can be the butterflies I feel in my belly*

Napatigil ako nang marinig na tumunog ang cellphone ko.

Napasimangot pa ako nang maalala kung sino ang naglagay ng 'Perfect Two' sa phone ko as call ringtone.

*You can be the--*

Kinuha ko ito at sinagot nang hindi manlang tinitignan ang caller.

"Hello?" Iritang bungad ko.

"Moo?" Pakiramdam ko ay nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang napakapamilyar na boses na iyon.

Ilang saglit akong natahimik at hindi nakaimik.

"Hello, Moo?" Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko nang muling marinig ang endearment na iyon.

"H-Hello?" Pigil ang hiningang sabi ko.

"I'm here." Agad nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"WHAT? WHERE?" Gulat na gulat na tanong ko.

Biglaan naman kasi. Ilang linggo ko na nga iniiwasan ang tawag niya tapos ngayon malalaman kong nandito siya?

"Whats with you? Parang gulat na gulat ka. Kakababa ko lang sa eroplano. I'm planning to stay at the nearest hotel. Pagod na kasi ako. Ayaw ko ng pumunta diyan sa condo niyo." Muli akong hindi nakasagot.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Naguguluhan talaga ako sa mga bagay bagay.

"Or do you want to fetch me? It's okay with me kung susunduin mo 'ko."

"No! Ahhmm, Ano. May nangyari kasi dito. I can't fetch you. I'm sorry."

"What? Anong nangyari diyan?"

"Ahhmm, I'll explain it to you next time. I'll call you later." Hindi pa man siya nakakasagot ay napagdesisyunan ko ng putulin ang tawag. Hanggang maari, ay iiwas ako sa kanya habang hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko.

Nagsimula akong kabahan.

Ayaw kong mawala siya pero hindi ako sigurado sa nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung siya pa ba ang gusto ko o si Lyreen na.

Simula nung pumunta kami ni Lyreen dito, naguluhan na ako sa nararamdamn ko. Gusto kong ilayo siya kila Keith, Nathan at lalong-lalo na kay Kurk. Hindi ko alam kung bakit. Alam kong mali 'to kasi masasaktan ko siya. Pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Hindi ko ito kontrolado.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon