Started

1.5K 84 25
                                    

( Ang storyang ito ay pawang kathang isip lamang ..)

Started

Grade three palang ako noon nang maging classmate ko si Kurk.

Matalino siya sa lahat ng subject, lalong-lalo na sa math.

Noong una, hindi ko naman talaga siya napapansin o napagtutuunan nang pansin dahil bukod sa malayo ang upuan niya sa akin ay hindi rin naman ako palaclose sa mga lalaki.

Nakilatis ko lang siya dahil palagi syang bukambibig ng best friend ko na si Akira.

Simula nang iluwal kami ng mga mommy namin ay magkasama na kami ni Akira dahil bukod sa magkakilala ang parents namin ay magbest friend din ang mga ito.

Katabi niya noon si Kurk at malayo rin siya sa akin. Tuwing recess at lunch lang kami nagkakasama at talagang ang dami nyang kuwento tungkol kay Kurk.

Tinanong ko siya kung may gusto ba siya kay Kurk pero ang sabi niya ay wala.

Nagtaka ako. Kung hindi niya gusto si Kurk, bakit palagi nyang bukambibig ang lalaking 'yun?

Medyo nagsasawa na nga ako dahil 'yun at 'yun lang din naman ang kinukuwento niya.

Hanggang sa naging grade four na kami ay bukambibig parin ni Akira si Kurk.

That time, medyo close narin kami ni Kurk kasi magkalapit na ang mga upuan namin.

Nasa unahan nila ako samantalang sila, magkatabi sa likuran ko.

Rinig na rinig ko pa nga noon kung gaano kalakas sila magtawanan at kung ano ang mga pinaguusapan nila.

Madalas pa nga, 'pag naguusap sila, nilalapit pa nila ang mukha nila sa isat isa.

Siguro nga, gusto talaga siya ni Akira. Ang pinagtataka ko lang, bakit hindi niya sinasabi sa akin?

Napagtanto ko rin na hindi naman talaga mahirap magustuhan si Kurk.

Dahil sa totoo lang..

Sa totoo lang..

Nahulog na rin ang loob ko sa kanya.

Mahilig kasi akong magsulat noon at nagkataon namang mahilig ring mag pakopya ng 5-8 charts ang teacher namin sa Hekasi. Ang sabi lang ng teacher namin ay ishort-cut at kuhain nalang ang importanteng notes doon pero ako? Buong-buo kong isinusulat lahat nang 'yon at mabilisan pa.

"Oh, naunahan pa kita Lyreen." Napalingon ako sa nagsalitang si Kurk.

"Hindi no! Asa ka pa! Buong-buo ko kayang sinulat yang 6 chart na 'yan!" Pagmamayabang na sabi ko.

"Talaga? Kaya hangang-hanga ako sayo eh!" Sabi niya at ginulo pa ang buhok ko. Wala naman na akong nagawa kung hindi ang yumuko at patagong mamula ang mukha.

Gusto ko sanang sabihin kay Akira ang nararamdaman ko pero may kutob talaga akong may gusto rin siya kay Kurk. Halata naman kasing may special treatment siya kay Kurk. Oero bakit ayaw nyang sabihin sakin?

Best Friend kami, hindi ba?

At ang mga magbest friends walang secret sa isat isa.







Yun ang akala ko..

Nalaman ko nalang ang lahat ng sagot sa mga tanong ko nang marinig kong naguusap ang ilan sa mga classmates ko sa tapat ng pintuan ng room namin. Pinaguusapan nila si Kurk at Akira.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Место, где живут истории. Откройте их для себя