Manhid 58:

129 16 16
                                    

Manhid 58:

Ivy's POV

"Naks naman Pre! Ganyan dapat!" Natatawa-tawang kantyaw ni Crayon kay Allen na hanggang ngayon ay kahalikan parin ang babaeng hindi namin kakilala.

"Lalaki ka na nga, man! Proud ako sayo!" Dagdag pa ni Elmo samantalang kaming mga babae ay napatanga lang.

Naunang nakabawi sa pagkagulat si Sherwin kaya't pipigilan na sana niya sina Allen ngunit..

"Ahhhhh!"

Naunahan na siya ni Kaye Ann.

Kaye Ann's POV

Madiing hinila ko ang buhok nung babae kahalikan ni Allen papalayo kay Allen.

"Bitch!" Galit na galit na sigaw ko pagkaraa'y binitawan ang babae sa buhok saka naman ito sinampal.

"Ouch! How dare you to-*Pak*" Hindi ko siya pinatapos magsalita at muling sinampal.

This time, sa kabilang pisngi naman.

Nanlaki ang mata niya at napahawak siya sa kabilang pisngi niya. Ngunit nang makabawi na siya ay umakto siyang sasampalin ako pabalik.

"Kaye Ann!" Sigaw ni Akira nang hindi ako gumalaw para manlang umiwas.

I know, nanonood ka Allen.

Ano ng gagawin mo ngayon?

Tatama na sana ang palad ng babaeng kaharap ko ngayon sa kaliwang pisngi ko ngunit napangisi nalang ako nang nagawa pa itong pigilan ni Allen.

"Don't.you.dare." Seryosong sabi ni Allen at seryoso ring tinitigan ang babaeng nasa harap.

"Ahh!" Napansin ko ang pagdiin niya sa pagkakahawak sa braso ng babae upang pigilan akong sampalin.

Muli akong napangisi.

"Jerk." Tanging nasabi ko nalang at nang lingunin ako ni Allen ay sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Kay--*Pak*" Hindi ko siya pinatapos magsalita at sinampal ko na siya dahilan para mabitawan niya ang braso ng babaeng kanina'y kahalikan niya.

Saglit na kami'y natahimik. Ngunit hindi naalis ang sama ng tingin ko kay Allen.

"Listen, Kaye Ann." Umayos siya ng tayo at hinarap ako. Hahawakan sana niya ang dalawang balikat ko ngunit nanginginig na itinaas kong muli ang palad ko at itinama ito sa pisngi niya.

Humakbang ako papalayo saka sinabing..

"Don't you dare come near me. You have slut on your lips." Nanlilisik ang matang sabi ko.

"Manghahalik ka na nga lang ng iba, sa panget pa. Akala ko may taste ka?" Nakangising sabi ko at tinignan mula paa hanggang ulo ang babaeng kanina ay kahalikan niya.

"Nakakainsulto, huh?" Dagdag na sabi ko pa.

"What did you say?" Hindi makapaniwalang tanong naman ng babaeng kanina lang ay kahalikan ni Allen.

"Shut up, bitch." Masama ang tingin sa kanya na sabi ko.

"No amount of makeup can help that face. I advice you to go, have a plastic surgery." Muling nakangising sabi ko.

This time, siya naman ang nanlilisik ang matang nakatingin sa akin. Susugurin sana niya ako ngunit pinigil siyang muli ni Allen.

Nginisihan ko lang siyang muli dahil hindi niya manlang magawang lumapit sa akin.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon