Manhid 51: The Future Mrs. Alcantara

177 22 13
                                    

Manhid 51: The Future Mrs. Alcantara.

Ivy's POV

Patapos na naman ang panibagong araw.

Napabuntong hininga nalang ako.

Sana lang ay walang mangyaring hindi ko magugustuhan ngayong gabi. Sabagay, ano pa nga bang mangyayari e gabi na nga? Last day ko na ngayon ng day-off at bukas ay may interview na ako with Allen at Kaye Ann na hindi pa rin nagkakasundo.

Kahapon, pagkauwing-pagkauwi ko ay ipinost ko agad sa instagram ang picture ni Sherwin na nakaboxer lang with Stacy na nakahiga sa kama.

Nilagyan ko pa ito ng caption na 'When Cupid Strikes'. Shinare naman agad ito ni Stacy na halatang natutuwa sa mga nangyayari. Samantalang in- unfollow at blinock naman ako ng baklang si Shekla sa sobrang pagkainis.

Bukod sa akin, kay Kaye Ann at Allen, ay isa na sila sa topic ng media ngayon. Paano ba naman kasi diba? Alam ng lahat na simula pagkabata ay bakla na si Sherwin tapos biglang makikitang may kasiping na babae?

Natawa nalang ako ng mag-isa.

Hindi ko maimagine kung anong itsura ngayon ni Sherwin dahil sa kumakalat na balita.

"Ma'am." Tinaasan ko lang ng kilay ang katulong na umistorbo sa pag-iisip ko.

"Mag-ayos daw po kayo. May dadating daw pong bisita ang kuya niyo." Nangunot ang noo ko.

Bisita naman pala niya, bat ako ang mag-aayos?

"Sino daw?" Gabi na pero may bisita pa siya?

"Wala pong sinabi e. Pero dadating din po ang parents niyo, ang Inang niyo, at ang grandparents niyo sa mother side niyo." Muling napataas ang kilay ko.

Anong meron at mukhang magrereunion ang pamilya ko?

Nagkibit balikat nalang ako pagkaraan ay tumayo na para maghanda.






"Sino ba talagang hinihintay natin?" Iritang tanong ko.

Paano ba naman kasi ay halos kalahating oras na kaming naghihintay dito sa harap ng hapagkainan.

Imagine? Mukha kaming tanga dito sa harap ng hapagkain. Napakaraming pagkain ang nakahain ngunit ni isa sa amin ay walang kumakain.

Kakain na sana ako kaso ang sabi ni mom ay hintayin na lang ang bisita.

"Why can't you just wait iha?" Pasimpleng napairap nalang ako dahil sa tanong ni Lola Mildred. Ang nanay ni Mommy.

"Ano pa bang paghihintay ang gusto niyong gawin ko, Lola?" Inis na sabi ko.

"Your attitude Ivy! Umayos ka sa harapan nila a?" Nanlilisik ang matang sabi ni Lance.

"Sino ba kasi 'yang bisita mo? Masyadong paimportante." Irap ang matang sabi ko nalang.

"Good evening po. Sorry, we're late." Agad akong nanigas sa kinauupon ko.

That voice.

"Its okay iho. Nasan na ba ang pamilya mo?" Lahat sila ay nakatingin sa lalaking nagsalita sa likuran ko. Maliban sa akin na hindi manlang makagalaw sa kinauupuan ko.

"Dumeretso po sa Comfort Room sina Mama at Ate. Samantalang si Dad naman po, may kinukuha pa sa kotse."

Huminga ako ng malamim at tinawag ang lahat ng santong kilala ko bago humarap sa likuran ko.

At doon, doon ko nakita ang taong ayaw kong makita.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon