Manhid 9: Me and Keith are in.. What??

422 55 1
                                    

Manhid 9: Me and Keith are in.. What??

Ivy's POV 

Another day, another hell.

Haaaayst. Badtrip!

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi hindi dahil sa nangyari kahapon kundi dahil ang parents ko ay mukhang nag-aaway.

Grabe! Ang halos lahat ng babasaging gamit sa bahay namin ay itinapon na kanina. Imadyinin niyo nalang kung paano ako nakatulog kung buong magdamag silang nagbabatuhan ng mga gamit.

Si Lance naman ay nakitulog kila Crayon ng hindi man lang ako sinasabihan. Ayun, alas tres na ako nakatulog.

Ang problema nila? Hindi ko alam at paano ko naman nga malalaman kung paggising ko nakaimpake na si Mom? Oo! Nakaimpake. Ibang klase! Ano bang trip nila?

"Totoo kaya?" Naglalakad ako ngayon sa hallway at as usual tinititigan na naman ako ng mga tao.

"Baka nga sila na. Kasi sabi nagkiss daw sila tapos parang wala lang naman daw sa kanila."

"Oo kaya. Nandun kaya ako kahapon. Pagkatapos nilang magkiss wala man lang awkward moment."

"Masaya ako para sa kanya."

"Ako din. Mukhang magtatagal sila." Naparolled eyes nalang ako dahil sa mga naririnig ko.

Can you just please? Act your age guys. Act your age!

Kung makaasta akala mo ketatanda na

"Ivvvy!" Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita si Kaye Ann at Sherwin.

"Hoy babaita! Ang chaka mo a! Nawala lang ako sandali nagka bf ka na!" Ngiting-ngiting sabi ni Sherwin at tinusok-tusok pa ang tagiliran ko. Tinabig ko lang naman ang kamay niya.

"Pati ba naman ikaw? Naniniwala rin?" 'Di makapaniwalang sabi ko sa kanya.

"Gaga. May picture kaya. Tignan mo pa sa bulletin board. Ibang klase ka a. This past few days ikaw na ang nagiging laman ng chismaks!" Inirapan ko lang naman si Sherwin at nagsimula ng maglakad papuntang bulletin.



Napatigil ang mga taong naroon nang makita ako. Maya maya ay saka sila nagbulung-bulungan. 

Napairap na lang ako at dumeretso sa bulletin board.

Nanlaki at halos malaglag ang panga ko nang makita ng mga litratong naroon.

Oh My Gosh!

Bakit meron silang kuha nito?

"Bruha, 'di mo naman sinabi na hinahatid ka pala ni Keith sa bahay niyo. At may libreng kiss pa talaga a?" Nakangising sabi ni Sherwin.

"Kaya pala siya ang date mo kahapon, may something na palang namamagitan sa inyo." Sulsol pa ni Kaye Ann dahilan upang magbulung-bulungan ang mga stupidents na nakarinig sa mga sinabi nila.

Sinamaan ko naman sila ng tingin dahil alam kong sinabi talaga nila 'yun para maniwala ang mga stupidents na kami talaga ni Keith. Alam ko naman na mas gusto nila si Keith kesa kay Kurk.

"So, It's true? Kayo talaga ni Keith?" Lahat kami napalingon nang makarinig ng matinis na boses. At sino pa ba ang may matinis na boses dito sa istoryang 'to?

"At ano namang pakialam mo kung kami nga?" Tila naman nagkamali ako ng salitang binitawan dahil mas nagbulung-bulungan ang mga nakarinig sa sinabi ko.

"Kung ganun, sila na talaga ni Keith?"

"Waaaaah! Ang swerte niya."

"Bagay silang dalawa. Ang sweet pa."

"Hindi man niya nakuha si Kurk, nakuha naman niya si Keith." Napairap nalang naman ako.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ