Manhdi 55:

128 21 5
                                    

Manhdi 55:

Ivy's POV

"Ano sa tingin mong ginagawa mo?" 'Di makapaniwalang tanong ko kay Kaye Ann.

"Ano bang iniiyak mo, Ivy?" Painosenteng tanong nito na mas ikinainis ko.

"Una, sinabi mo sa harap ng media na hiwalay na kayo ni Allen without consulting him. Ginulat mo kaming lahat! Pero pinagbigyan kita at hindi kinompronta. Pero ngayon, sobra ka na!" Bahagyang may galit na sabi ko.

"Ano bang mali sa twinit ko?" Painosente paring tanong niya.

"Anong mali? Tinatanong mo sakin kung anong mali?" Halos maghisterikal na ako samantalang siya ay prenteng nakaupo parin sa sofa habang hindi inaaalis ang tingin sa cellphone niya.

"Buntis ka na Kaye Ann. Tapos magtwi- tweet ka ng 'Accepting suitors' sa twitter? Hindi mo manlang ba naisip kung anong mararamdaman ni Allen?" Seryosong tinignan niya ako pagkabanggit ko sa pangalan ni Allen.

"Inisip ba niya kung anong mararamdaman ko nung iniwan niya ako habang dinadala ko ang anak niya? At inisip ba niya ang mararamdaman ko nung sumama siya sa malanding hitad na Cynthia na 'yon?" May hinanakit na sabi niya samantalang napapalo nalang ako sa noo ko dahil sa sobrang pagkainis.

"So ang lahat ng ito ay tungkol na naman doon, ganun ba?" Hindi na siya sumagot at ibinalik na ang tingin sa cellphone.

"How many times do I have to tell you? Hindi niya naman ginusto na makasama ang babaeng iyon! Alam mo ang totoong pangyayari behind that freakin' call! Oo, iniwan ka niya. Pero hindi ka niya niloko, Kaye Ann! Isa pa, hindi bat bumalik naman siya?"

"Aanhin mo ng bumalik?" Balewala na sabi niya.

"T*ngn* Kaye Ann! Hindi pa ba sapat ang pambabawing ginagawa niya? Simula nang magising ka sa hospital, palagi na siyang nakabuntot sayo. Binibigay niya ang lahat ng gusto mo. Hindi bat siya ang naghahanap ng mga cravings mo tuwing madaling araw? Isinasakripisyo niya nga ang tulog niya mabigay lang ang pinaglilihihan mo! Hindi bat nananatili siya sa tabi mo kahit pa hindi mo siya pinapansin at nagmumukha na siyang tanga kakahabol sayo? Nung sinabi mo na hindi na kayo, nawala lang siya sandali pero bumalik ulit siya't nagkunwari na tila hindi nasasaktan. Tapos ngayon, ipaparamdam mo sa kanya na naghahanap ka na ng iba?" Halos kapusin ng hininga na pagsesermon ko.

Inis na inis talaga ako! Mag tweet ba naman ba siya sa twitter na tumatanggap na siya ng suitors?

Ayun, sandamakmak na ang nagpadala ng mga cake, chocolate, flowers, teddy bears, at roses dito sa bahay. Andami naring lumalandi sa kanya pati nga mga jeje isama niyo na!

Umalis si Allen ng walang pasabi kani-kanina lang at doon ko nalaman ang ginawa ni Kaye Ann. Malamang ay nasaktan ng husto yung tao!

"Saan ka pupunta?" Tanong ko nang hindi niya pansinin ang pagsesermon ko at tumayo.

"Kilala mo si Cyrus Stephen Pendleton? Yung sikat na business man dahil bata palang, ang layo na ng nararating. May date kami. Magbibihis lang ako." Halos mapanganga ako dahil sa sinabi niya.

F*ck! Hindi talaga siya nakikinig!

"Aiish! What's wrong with you?" Galit na sigaw ko sa kanya na ngayon ay nasa hagdan na.

Kaye Ann's POV

"Where do you want to go?" Nakangiting tanong ni Cyrus.

"Okay lang kahit saan." Sagot ko naman.

Ang totoo, hindi talaga ako maalam sa mga lugar. Kapag kasi nagd- date kami ni Allen ay siya ang nagdedesisyon kung saan kami pupunta. Plinaplano niya na ang lahat bago pa man kami magdate. At kapag nagdate kami, alam na niya kung saan pupunta at kung ano-ano ang mga gagawin namin.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Where stories live. Discover now