Meet The Characters :

1K 73 7
                                    

Meet The Characters

Ivy's POV

Naglalakad ako ngayon sa hallway.

"Lyreen." Ang boses na 'yun. Ang kaisa isang taong tumatawag sakin sa pangalan na 'yun.

Dahan dahan akong lumingon at nakita ko si..

"K- Kurk?" Nginitian niya ako na dahilan ng pagtigil ng mundo ko.

"Gusto ko sanang ayain kang lumabas." Nanlaki ang mata ko.

Totoo ba 'to? Si Kurk Alec Alejandro, inaaya akong lumabas?

Ang ultimate crush ko simula grade 4 ay inaaya akong lumabas?

"L- Lu- Lumabas?" Tumango siya, sinasabing tama ang narinig ko.

"Oo. Ayaw mo ba? Oka--" Hindi ko na siya pinatapos magsalita at nagsalita na ako.

"Hindi, hindi. Gusto ko! Gusto ko talaga!" Agad syang napangiti.

"Tara."

*****

" Ano bang gusto mong kainin?"

Si Kurk, nandito siya sa harap ko.

Mag kaharap kaming nakaupo. Kaming dalawa lang sa restaurant na 'to. Mag kahawak ang kamay namin na parehong nakapatong sa lamesa.

"Lyreen."

Hindi ako makapaniwala.
Ang dating pinapangarap ko lang, ngayon nasa harap ko na? Papaano? Paano 'to nangyari?

"Ayaw mo bang umorder? Sige, ako nalang."

Kung panaginip man 'to, sana 'wag na kong magising. Sana 'wag ng matapos ang araw na 'to.

Gusto ko syang makasama ng magdamag.

Ng habang buhay.

"Lyreen, pwede ka ng kumain."

Si Akira?

Alam kaya 'to ni Akira?

Sana alam niya.
At kung hindi man, ipapaalam ko sa kanya. Iinggitin ko siya gaya ng pang iinggit niya sa akin noon.

"Lyreen?"

Asakin na si Kurk at ako na ang gusto niya.

Mamatay ka sa inggit ngayon Akira.

"Lyreen, ayaw mo bang kumain?" Nabalik ang kaluluwa ko sakin nang kumaway-kaway si Kurk sa harap ko.

"Huh?"

"Ayaw mo bang kumain?" Tanong ulit niya na tila nalulungkot na.

Naaligaga ako.

"Ahh, ano. Syempre-- syempre gusto!" Agad kong kinuha ang kutsyara at tinidor. Saka sinimulang ipasok lahat ng makikita kong pagkain sa bibig ko.

"Hinay hinay lang Lyreen. Baka mabilaukan ka." Hindi ko pinansin ang sinasabi ni Kurk at nagpatuloy parin sa pagkain.

"Lyreen." Patuloy parin ako sa pagkain nang lumingon ako sa kanya.

"I Love You." Agad nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

*Hmmp. Hmmp. Hmmp*

Hindi sinasadyang mabilaukan ako dahil sa 'di inaasahang sinabi niya.

"Lyreen, okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong niya sa hinagod hagod ang likuran ko.

" T- Tu- Tubig. Tubig. " Inabutan niya ako ng isang basong tubig kaya agad ko 'tong tinungga.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Where stories live. Discover now