Manhid 14: Good Bye (Part 1)

398 52 4
                                    

Manhid 14: Good Bye (Part 1)

Ivy's POV

"Ivy, pag-isipan mo nga ulit ng mabuti. May oras pa naman e. Pag-isipan mo pa. Baka magbago pa isip mo. Magpa-iwan ka na lang din kasi dito kasama si Lance." Inalis ko ang kamay ni Crayon sa braso ko.

Putek! Kanina pa ako niyuyugyog ng hayop na 'to e!

"Pwede ba Crayon? Nahihilo na ko. Baliw ka ba? Hindi na magbabago ang isip ko. Sayang naman yung passport ko!" Sabi ko at pinagpatuloy ang paghatak sa maleta ko palabas ng kwarto ko. Sinundan naman ako ni Crayon.

"Hindi mo naman ikakahirap ang hindi pag-gamit sa passport mong 'yan! 'Wag ka ng umalis Ivy!" Pilit niya pa at hinatak pabalik ang maleta ko dahilan para mapatigil ako.

Napapabuntong hiningang hinarap ko siya.

"Sige nga Crayon, magbigay ka ng sampung magagandang dahilan para huwag akong tumuloy." Pinamaywangan ko pa siya at seryosong tinignan.

"Una, paano si Mark Allen? Mamimiss ka non! Pangalawa, Si Keith! Isa pang patay na patay sayo iyon kaya for sure mamimiss ka non! Pangatlo, paano si Kaye Ann at yung bakla mong kaibigan? Mamimiss ka din non! Pang apat, Si Aki---"

"Crayon, kung babanggitin mo isa isa lahat ng mga makakamiss sa akin ay malamang makasampo ka ngang dahilan. Pwede ba kasi? Tantanan mo na ako! Marami pa kaming pupuntahan nila Dad!" Iritang sabi ko.
Paano ba naman kasi madaling araw pa lang namimilit na siya na 'wag na akong tumuloy. Imagine?!

"Pang apat, si Akira! Paano si Akira? Wala ng mambabara sa kanya! Pang lima, si Kurk, paano kung magka-gf 'yun habang wala ka?" Pagpapatuloy niya na tila hindi narinig ang sinabi ko kaya naman napabuntong hininga na lang ulit ako.

"Crayon, ang sabi ko importante! At isa pa, ano naman kung mag-gf si Kurk? As if naman kung nandito ako mapipigil ko 'yun kaya mas maganda pa ngang umalis na lang ako."

"Pang anim, A- ak-- ako. P- pa- papaano a- ako? M- mamimiss din k- kita." Iwas ang tinging sabi niya. Nakayuko pa siya kaya naman di ko napigilang matawa.

"HAHAHAHAHA. Oh my gosh! HAHAHAHAHA. C- Crayon, naririnig mo ba 'yang sinasabi mo?" Imagine? Si Crayon? Nagsasabi ng ganun?

What a joke. -___-

"Pwede ba Ivy!? 'Wag ka ngang tumawa!" Sigaw niya at pilit inalis ang kamay ko sa tiyan ko.

"Bwiset ka! Ikaw na nga dya--"

"Oo na, oo na. Mamimiss din naman kita." Natatawa-tawang sabi ko at niyakap pa siya.

"Ano ba! H- hindi ako makahinga!" Sita niya pero hindi naman siya umalis sa pagkakayakap ko.

"Mamimiss din kita Crayon. Pero hindi na talaga magbabago ang desisyon ko. Kawawa naman sila Mom 'pag nagkataon. Syempre, mahihirapan pa silang asikasuhin ang dapat nilang asikasuhin 'pag 'di ako tumuloy like pag enroll ulit sa akin sa schoo--" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin dahilan para mahirapan akong huminga.

"C- Crayon, h- hindi ako m- makahinga!" Hindi siya nagsalita pero naramdaman ko ang pagluwag ng yakap niya.

"Fine. Suko na ko. Hindi na kita pipilitin. Alagaan mo ang sarili mo a? Tatanga-tanga ka pa naman." Napasimangot na lang naman ako.













"Ivy!" Napatingin ako kay Lance na ngayon ay nakaupo sa sofa.

"Oh?" Naglakad ako pababa ng hagdan at sinalubong niya naman ako.

"Bakit nagbago ang isip mo? Akala ko magpapaiwan ka rin?"

"Wala ka na doon." Lalagpasan ko na sana siya ng hawakan niya ang braso ko dahilan para mapatigil ako.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang