Manhid 23: Awkward Reunion.

303 37 0
                                    

Manhid 23: Awkward Reunion.

Ivy's POV

Dahan dahan kong pinunasan ang ilang butil ng pawis na pumatak galing sa noo ko.

"Wushu! Nakatakas din." Mahinang bulong ko sa sarili ko habang patagong tinitignan ang kumpulan ng mga reporters sa front gate ng school na 'to.

"Anong ibig sabihin nito?" Agad akong nataranta nang makarinig ng isang tinig.

Humarap ako patalikod at bumungad sa akin ang seryosong mukha nila Kaye Ann, Akira at Sherwin.

"Kaye Ann naman! Ginulat mo 'ko." Pabuntung hiningang sabi ko sabay hawak sa dibdib.

Akala ko nahuli na ako.

"Nag-alala pa man din kami sayo kahapon tapos 'yun pala nakikipagdate ka lang sa kung sino sino." Kunot noo akong napatingin kay Akira na ngayon ay nasa gilid ni Kaye Ann.

"Kung sino sino? Ang sabi niya, close kayo?" Naguguluhang tanong ko.

"Oo nga. Pero kayo? Hindi naman kayo magkakilala ah! Tapos nakikipagdate ka sa kanya?" Halos pasigaw na sabi niya.

"Tumawag sa amin si Kuya Lance kahapon. Nagtatanong kung kasama ka daw ba namin dahil iniwan mo daw ang ginagawa mo sa bahay niyo. Todo tawag kami sa phone mo pero hindi ka naman sumasagot." Sabi naman ni Sherwin na tila nagtatampo pa.

"Tapos ngayon malalaman naming nakikipagdate ka pala nung mga oras na nag-aalala kami? Kulang na lang puntahan namin si Kuya Lance sa bahay niyo! How could you!" Sigaw ni Kaye Ann at pinaghahampas ako ng mga litratong hawak niya.

Mabuti na lang at nasa back gate kami, kung hindi, kanina pa may nakakita sa amin. Halos lahat kasi ng tao ay nasa front gate. Either hinihintay ang pagdating ni Nathan, Kevin o ako. Malamang ay iinterview-hin nila kami. At dahil ayaw kong magpainterview ay iniwan ko ang kotseng sinakyan ko kanina sa parking lot at patagong tinahak itong back gate.

"Now, explain." Madiing sabi ni Kaye Ann at nagpameywang pa na pinangalawahan naman ni Akira at sinundan ni Sherwin.

Napataas na lang ang kilay ko at binigyan sila ng 'seriously-look' pero dahil hindi sila natinag at tinitigan lang ako pabalik ay napabuntong hininga nalang ako.

"Fine." Napipilitang sabi ko sabay buntung hininga.










"WHAT??" sabay sabay na sigaw nila nang matapos akong magkuwento.

Napalingon ako sa paligid para masigurong walang nakakarinig sa amin.

Habang nagkwekwento ako ay napagpasyahan naming dito manatili sa 'P.R.' kung tawagin nila. Dito daw nagprapractice ang banda nila Crayon kapag may upcoming concert sila.

Speaking of Crayon, hindi ko pa siya nakikita simula ng umuwi ako galing America.

"Nahalikan ka lang hindi mo na kinuha ang phone mo?" Pasigaw na sabi ni Sherwin.

Oo, tama kayo. Nakalimutan ko ngang kunin ang phone ko. Kagabi ko lang naalala nung mag-aalarm na sana ako. Pero dahil wala nga ang phone ko, ang alarm clock ko na lang ang ginamit ko.

"Manahimik ka nga dyan, Shekla! Baka may makarinig sayo." Irap ang matang puna ko.

"Walang practice sila Mark Allen ngayon kaya walang pupunta dito." Paliwanag pa ni Kaye Ann.

"Hayst. Dapat pala hindi ko nalang sinabi kay Nathan na nakauwi ka na." Frustrated na sabi ni Akira.

"Ano bang problema? Lumabas lang naman kaming dalawa." Kunot noong paliwanag ko. Ang O- OA kasi nila e.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon