Manhid 26: Keith??

249 32 4
                                    

Manhid 26: Keith??

Ivy's POV

"Miss, need help?" Napatigil ako nang marinig ang boses na 'yon. Dalawang tao lang ang nagmamay-ari ng boses na 'yon.

Agad akong kinabahan.

'Sana hindi siya.' Taimtim akong nanalangin habang lumalapit siya sa akin.

Nang tuluyan syang makalapit ay doon niya naaninagan ang mukha ko.

Tinawag niya ang pangalan ko dahilan para halos tumigil ang paghinga ko.

"Lyreen?"

Napapikit na lang ako nang marinig ang pangalan kong binanggit niya.

"Nasiraan ka ba?" Muli akong napadilat ng maramdang niyakap niya ako dahilan para maamoy ko ang humahalimuyak nyang pabango.

*Lub Dub Lub Dub*

"Let's go. Masyado ng malakas ang ulan." Nagsalita pa siya pero hindi ko na ito naintindihan. Natulala na lang ako.

Same feeling. Same weird feeling.

Ganito. Ganito rin ang naramdaman ko 6 years ago nang magpaalam ako sa kanya papuntang America.

Flashback
(In case na maguluhan kayo, nangyari ito sa Manhid 13 : Goodbye "Part Two")

"I'm so sorry Lyreen."

*Lub Dub Lub Dub*

Napahawak ako sa dibdib ko.

Waaah! Ang bilis ng tibok ni Ms. Heart!

"I know, it's hard to bel---"

I can't take this anymore!

And next thing I knew, nakayakap na ako sa kanya at sinasabing pigilan niya akong umalis.

Walang hiya-hiyang isiniksik ko ang sarili ko sa katawan niya at sininghot-singhot ang pabango niya.

"Sabihin mo lang, Kurk. Hindi na ako tutuloy." Mangiyak-ngiyak na sabi ko dahilan ng pagtawa niya.

End of Flashback

"Are you listening, Lyreen?" Nabalik ako sa reyalidad nang muli syang magsalita.

Hindi ko manlang namalayan na nakapasok na pala kami sa kotse niya at nabalutan na niya ako ng isang malinis na tuwalya.

Hindi ko na siya nagawang sagutin at napatitig na lang ako sa mukha niya.

*Lub Dub Lub Dub*

Nagkaroon ng katahimikan.

Maya maya pa ay muli syang nagsalita na ikinakunot ng noo ko.

"Okay lang namang tawagin kitang Lyreen diba?" Napatigil ako dahil sa sinabi niya.

'Anong ibig nyang sabihin?'

Muling nagkaroon ng katahimikan ng maya maya pa ay napagtanto ko kung ano ang ibig nyang sabihin.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt