Manhid 50: Playing Cupid

129 21 16
                                    

Manhid 50: Playing Cupid

Ivy's POV

"Saan ka pupunta?" Napalingon ako kay Kaye Ann na ngayon ay prenteng-prengteng nakaupo sa sofa. Nakataas at nakapatong pa ang dalawang paa nito sa lamesita habang kumakain ng longganiza.

Oo, iba na naman ang pinaglilihihan nito. At ulam pa ang pinapapak nito.

"Sa condo ni Crayon." Walang ganang sabi ko.

"Sama ko." Napairap nalang ako dahil sa sinabi niya.

"Magtigil ka. Alam mo namang nandito si Allen." Sinilip ko pa ang kusina kung nandoon nga ba si Allen ngunit hindi ko rin siya natanaw sa layo nito.

"Kaya nga sasama ako e." Irap din ang matang sabi niya.

Simula nang magising siya kahapon ay hindi na niya kinakausap si Allen. Pagkakita niya kay Allen ay nagwala siya at nag-histerical. Kaya naman napilitan kaming paalisin muna si Allen.

Samantalang ang parents naman ni Kaye Ann ay walang kaalam-alam sa mga nangyayari. Noon lang nila nalaman na buntis si Kaye Ann kaya naman nakatanggap sila ng sobra-sobrang sermon mula sa mga magulang ni Kaye Ann.

'Di nagtagal ay dumating din kagabi ang parents ni Allen na nagalit kay Allen dahil sa ginawa niya kay Kaye Ann. Kulang nalang ay itaboy siya ng mga magulang bilang anak dahil sa ginawa niya. Samantalang tila anghel naman sila kung umasta kapag si Kaye Ann na ang kaharap.

Nag-usap ang mga magulang ni Kaye Ann at Allen na ipakasal ang dalawa bago pa man manganak si Kaye Ann ngunit tinutulan lang ito ni Kaye Ann. Ayaw niya raw magpakasal sa lalaking walang paninindigan.

Napabuntong hininga na lang ako.

Simula rin kahapon ay hindi na humiwalay si Allen kay Kaye Ann. Kahit pa man ayaw sa kanya ni Kaye Ann at hindi siya pinapanisin nito, ay buntot parin siya ng buntot rito.

Nagmumukha na nga siyang tanga sa mga pinaggagagawa niya ngunit sa tingin ko ay kulang pa ito. Kulang pa ito bilang kapalit sa lahat ng ginawa niya kay Kaye Ann.

Sabihin na nating hindi man niya pinatulan si Cynthia, pero nagkamali parin siya. Nagkamali siya nang iwan niya si Kaye Ann at nang ibahin niya ang pakikitungo rito nang malamang buntis ito.

Oo, alam ko ang totoo. Alam ko kung ano ang ginawa ni Cynthia dahil kinuwento niya sa akin ito. Alam naman narin ito ni Kaye Ann ngunit hindi ko siya masisisi kung maging malamig pa rin ang pakikitungo niya kay Allen.

Dito pa rin natulog at napagpasyahang manatili ni Kaye Ann kahit pa kinukuha na siya ng parents niya at ng parents ni Allen.

Dito rin natulog si Allen. Sa kwarto siya ni Violet natulog dahil wala naman na si Violet.

Oo, wala na si Violet.

Ilang oras ang lumipas noong pagdating namin sa hospital ni Allen ay tumawag sa akin si Crayon. Nalaman kong sa probinsiya pala siya nina Violet pumunta. Ewan ko lang kung bakit.

Sinabi kong isama na niya sa kanya si Violet, ayaw pa nga nung una kaya nakatanggap siya mula sa akin ng sandamakmak na mura. Hindi kami nakapag-usap sa personal kaya naman balak ko siyang puntahan ngayon tutal sabado naman at wala namang pasok.

"Kamusta pala?" Nangunot ang noo ko dahil sa tanong niya.

"I mean, yung kay Cynthia the bit-" Hindi ko na siya pinatapos magsalita at nagsalita na ako.

"I'm fine. 'Wag mo ng alalahanin iyon. I can handle that bitch." Walang gana ulit na sabi ko kahit na ang totoo ay malaki ang gulong kinasasangkutan ko ngayon.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Where stories live. Discover now