Manhid 30: Cast of The Runaway Bride.

165 25 5
                                    

Manhid 30: Cast of The Runaway Bride.

Ivy's POV

"Were here." Tinanggal ko ang headset ko sa tenga ko at nagready na sa pagbaba.

Nandito kami sa hindi ko malamang lugar. May klase ako ngayon pero mas pinili ko ng umatend sa meeting namin ngayon. Ngayon kasi ako ipapakilala sa magiging katrabaho ko sa gagawin kong palabas at ngayon din ang pirmahan ng kontrata pati na ang pag-aaral sa kanya-kanyang script.

"Nandito na daw silang lahat. Tayo nalang pala ang hinihintay. Nakakahiya tuloy." Sabi ni Maxine na ngayon ay dala dala ang mga gamit ko.

Nalaman ko rin na hindi pala si Kevin ang magiging partner ko. Nakakapagtaka nga dahil pumatok naman ang una naming palabas kaya bakit kaya hindi siya ang ginawang partner ko?

"Ohh. You're here na." Napatigil kami sa paglalakad nang may humarang sa aming isang bakla.

"Oh, hi Director Jayson." Bati agad ni Ian sa baklang humarang sa amin.

Nag-usap pa sila ni Ian pero hindi ko na inintindi pa ang pinaguusapan nila.

"Hi Ivy. I'm Director Jayson. Ako ang magiging Director niyo sa The Runaway Bride. I'm so thankful na tinanggap mo itong project." Ngiting-ngiting sabi niya at nakipagbeso pa sa akin.

Nginitian ko lang din naman siya.

"Who am I naman po para tanggihan ko 'tong project na 'to diba? Lalo pa at isang sikat na Director Jayson ang kumukuha sa akin." Oo. Kilala ko naman siya. Sa pagkakaalam ko, isa siya sa pinakamagaling at sikat na direktor dito sa Pinas. Wala pang palabas ang hinawakan niya na hindi pumatok sa masa.

"Oh, I'm so flattered naman." Sabi niya at tumawa-tawa pa.

"Lets go. This way. Ipakikilala ko sayo ang makakatrabaho mo." Hinawakan niya pa ako sa braso at saka itinuro ang daan kung saan kami pupunta.

"Hi Guys. Nandito na ang gaganap na bida sa The Runaway Bride!" Tuwang-tuwang sabi Director Jayson sa mga taong nasa harap namin.

Napataas nalang naman ang kilay ko.

"Kayo?" Di makapaniwalang tanong ko.

"Yes, sila." Napatitig ako sa baklang katabi ko na ngayon ay ngiting-ngiti sa akin.

'Seriously? Baliw ba 'to?'

"Nang umusbong ang issue tungkol sa'yo ay naisipan kong ipa-background check ka. At nakilala ko kung sino sino ang mga taong may koneksyon sayo. At dahil mga artista rin naman sila, hindi na ko nahirapang kuhain sila. Ivy, meet Kaye Ann. Ang magiging best friend mo sa The Runaway Bride. At si Akira at Sherwin naman ay ang mga makikilala mo sa paglayo mo. Si Nathan, ang dapat na pakakasalan mo at si Thea naman ang magiging best friend ng kontrabida." Nangunot nalang naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Magsasalita pa lamang sana ako nang maunahan ako ng isa sa mga staff na narito.

"Excuse po, Director Jayson. May tumatawag po sa inyo sa telepono."

"Okay Guys, I have to go. Babalik ako mamaya. Huwag kayong aalis okay? Sandali lang 'to." Hindi pa man ako nakakaangal ay tinalikuran niya na kami.

Napabuntong hininga na lang naman ako.

"Long time no see, Ivy." Nabaling ang atensyon ko kay Nathan nang magsalita siya.

Napairap nalang ako dahil sa sinabi niya.

"Huwag mo kong kausapin na tila ba wala kang atraso sakin." Inis na sagot ko at walang ibang nagawa kung hindi ang umupo sa tabi ni Kaye Ann.

"Oo nga pala." Kinapa-kapa niya ang bulsa niya at maya maya pa ay inilabas niya ang phone ko.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Where stories live. Discover now