Manhid 10: Mysterious Guy

437 56 2
                                    

Manhid 10: Mysterious Guy

Ivy's POV

"Ivy, saan ba talaga kayo galing ni Keith kanina?" Recess na at kanina pa ako kinukulit nila Sherwin at Kaye Ann na sabihin sa kanila kung saan kami nagpunta ni Keith kanina.

"Wala na kayo doon." Balewalang sabi ko.

"Ganyan pala a? Porket may Keith ka na, hindi ka na nagkwekwento sa amin." Nakapout na reklamo ni Kaye Ann.

"Dont pout." Sabi ko lang dahil ang sagwa talaga. Grabe!

"You're so mean!" Sigaw niya at hinampas pa ako. Sinamaan ko lang naman siya ng tingin.

"Pero 'di nga? Ano ba kasi talaga ang meron sa inyo ni Keith?" Pagbabalik ulit ni Sherwin sa topic namin kanina.

"Wala nga." Inunahan ko naman na silang maglakad. Ang kukulit!

"Sige ka. 'Pag di mo sinabi, di ko din sasabihin sayo ang update ng lovelife ko." Napatigil ako at napaharap sa kanila.

"Seriously? Are you threatening me, Sherwin?" 'Di makapaniwalang sabi ko.

"Uh-huh." Ngiting-ngiting sagot niya pero agad ding nawala nang magpoker face ako.

"Then go. Wala naman akong paki sa lovelife mo. Teka-- kung meron nga." Nginisihan ko lang siya at humarap na ulit saka naglakad.

"Kung ganon, ako." Kunot noo ko namang tinignan si Kaye Ann.

Naglakad ako ng nakatalikod sa daan at nakaharap sa kanila.

"What are you talking about?"

"Hindi ko sasabihin sayo ang nangyari sa amin nila Mark Allen at ni Elmo. " Mas lalong kumunot ang noo ko.

"OH MY GOSH! MAY NAGYARI SA INYO? PINAGSABAY MO SI--*Hmmp. Hmmp.*" Agad tinakpan ni Kaye Ann ang bunganga ni Sherwin. Napalingon naman ako sa mga taong naroon at lahat sila nakatingin sa amin.

"Goshness! Ano na naman bang kahihiyan 'to?" Nasabi ko nalang saka hinatak sila Kaye Ann paalis doon.










"So, anong nangyari?" Tanong ni Sherwin kay Kaye Ann. Nandito kami ngayon sa bakanteng room at dito naisipang tumambay.

"Ahh--ahh." Umiwas lang ng tingin si Kaye Ann na halata namang ayaw magsabi.

"Tell me Kaye Ann, may nangyari ba? Baklush na 'to! Paano kung mabuntis ka? Wait, did you use any protecti--*Hmmp. Hmmp.*" Hindi ulit natapos ni Sherwin ang sinasabi niya nang takpan ni Kaye Ann ang bibig niya.

"Hindi naman ganun ang ibig kong sabihin sa 'may nangyari' e." Pagmamaktol ni Kaye Ann at napairap nalang ako nang magpout pa siya.

"E ano ba kasing nangyari?" Inis na tanong ni Sherwin.

"T- Teka, bakit ba sakin napunta ang usapan? Hindi ba si Ivy ang kukulitin natin?" Napangiwi nalang ako nang mabalik sa akin ang atensyon nila.

"Hoy babae! Magkwekwento ka ba o magkwekwento ka?" Pinangunutan ko lang naman ng noo si Sherwin na ngayon ay nakapamewang pa.

"Nasaan ang choice?" Takang tanong ko.

"'Yun nga! Wala ka ng choice kung hindi ang magkwento!" Hindi ko nalang naman siya pinansin.

"Nakakainis na kayong dalawa. Nagkalovelife lang kayo ayaw niyo ng magkwento." Napabuntong hininga nalang ako dahil sa sinabi niya.

Tumayo siya at lumabas. Nagkatinginan naman kami ni Kaye Ann bago siya sinundan.

"Sherwin!" Tawag ni Kaye Ann sa kanya pero mas binilisan pa niya ang paglalakad.

"Sherwin!" Ulit pa ni Kaye Ann pero wala ring nangyari. Napa
buntong hininga nalang ulit ako bago nagsalita.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Where stories live. Discover now