Manhid 1 : The Start of My Hell School Year

880 72 13
                                    

Manhid 1 : The Start of My Hell School Year

Ivy's POV 

Nandito ako ngayon sa room at nakayuko lang rito sa upuan ko.

Tss, late lang naman kasi ang magaling naming teacher pero mabuti narin 'yun ng makatulog pa ako.

*Booogsh*

"Araaaaay!" Sigaw ko nang tamaan ng libro ang ulo ko. Napalingon ako sa nagbato nito at sinamaan siya ng tingin.

"Loko loko! Walang araw dito." Sabi niya at lumapit pa sakin.

"Tss. Kahit kailan talaga ang tanga mo!" Nanlalaki ang matang sabi ko.

"Ang sabi ko aray. Bingi!" Hindi niya naman pinansin ang sinabi ko at naglakad papalapit sakin.

"Sabay na tayong pumunta sa bahay niyo." Kinuha ko ang librong nahulog sa sahig at ibinato ito pabalik sa kanya.

"At ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit kita sasabayan? At isa pa, pupunta pa akong studio."  Tuwing Monday, Tuesday at Thursday kasi nagmomodel kami nila Kaye Ann at Sherwin.

"Anong dahilan? 'Di pa ba sinasabi sayo ng Mommy mo?" Tinignan ko lang naman siya na parang sinasabing ipagpatuloy niya lang ang sinasabi niya.

"Wala sila mamayang gabi sa bahay niyo. Nagkaproblema daw yung 5 Star Hotel niyo kaya dun na daw muna sila magpapagabi at ang kuya mo naman may project na gagawin sa bahay ng clasmate niya kaya sa inyo ako matutulog mamayang gabi." Inirapan ko na lang naman siya.

"Ang daldal mo, para kang bakla." Sabi ko at yumko nalang ulit. 

Kaasar! Bakit naman hindi nila sinabi sakin 'yon kaninang umaga? Bwiset!

Atsyaka, kaya ko naman ng mag isa (actually, marami rin namang maid don kaya hindi naman talaga ako nag iisa.) Pero bakit 'pag wala sila pinapasamahan pa nila ako sa walanjong si Crayon? Bwiset! 

"Ano ba? Kinakausap pa kita Ivy! Bastos ka talaga!" Sabi niya at niyugyog-yugyog pa ako.

"Ang bastos naka hubad." Walang ganang sabi ko.

"Hindi lang ang naka hubad ang batos." Agad akong napa angat ng tingin nang marinig ang boses na 'yun.

Ang boses na 'yun. 

Nakita ko si Kurk na nakatayo na sa tabi ni Crayon.

Ang gwapo niya talaga. Ang tangkad niya at ang puti pa!

"Hoy Ivy! May sapi ka na naman! Bigla bigla ka nalang natutulala! Pwede ba, kinakausap pa kita!" Inirapan ko lang naman si Crayon at  naka ngiting tumingin ulit kay Kurk.

Sa tingin ko naman ay mas nainis pa si Crayon kaya agad nyang pinaalis si Kurk.

"Umalis ka nga muna Kurk! Kinakausap ko pa si Ivy eh!" Sabi niya at pinagtulakan pa paalis si Kurk.

"Ano ba? Sino bang nag sabing kausapin mo ko? Ikaw ang umalis!" Tumayo ako at tinulak tulak na din sya.

Tss, wala talaga syang kwenta.

 ******

"I'm Sherly Buenaventura. 13 years old. Born on January 6, 2000." 

Syempre, first day ngayon kaya natural, may 'Introduce yourself' portion dito.

Ngiting ngiting bumalik si Sherwin sa upuan niya na nasa tabi ko.

Tss, assumera talaga tong baklang to.

"Hoy babae! 'Kaw na kaya!" Sabi niya at hinamapas pa ako. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

Bwiset! Kung minamalas ka nga naman, ako na pala.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora