Manhid 29: Strangers

228 26 1
                                    

Manhid 29: Strangers

Ivy's POV

"Are you sure kaya mo?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Maxine.

"Yes. Ang sabi naman ng Doctor, gagaling na daw ito within 2 weeks." Sabi ko at hinilot-hilot pa ang medyo ma- violet kong talampakan.

"Okay. Aayusin ko na ang mga contract." Tumango na lang naman ako at lumabas na siya.

Actually, nasabi na rin sa akin ni Ian na maraming kumukuha sa akin. Gusto nilang ako ang magbida sa mga palabas nila. Binigyan na rin niya ako ng list at script ng mga movie'ng pagpipilian ko. Ako na ang bahalang magdesisyon kung ano ang pipiliin ko.

Pinili ko yung movie'ng 'The Runaway Bride'. Sa kwentong 'yon, sapilitang ipinakasal yung babaeng bida, which is ako, sa hindi niya mahal na lalaki dahil sa pera. Kaya naman nung day ng kasal niya, hindi siya dumating at nagpakalayo-layo siya. At doon niya nakilala yung makakatuluyan niya.

Hindi ko nga alam kung sinong partner ko. Wala pang sinasabi sakin si Ian pero sa tingin ko naman ay si Kevin 'yun.

"Okay na ba 'yang paa mo?" Nabaling ang atensyon ko kay Kaye Ann na ngayon ay kakapasok lang.

"Medyo masakit na lang. Pero sabi ng Doctor, pwede na akong lumabas. Hihintayin ko lang si Kevin at magre- ready na kaming lumabas."

Actually, 2 days na ko dito sa private hospital na 'to at sinusuri ng private doctor ng pamilya namin.

"Bakit si Kevin pa? Mamayang alas tres pa ang uwi noon." Sabi niya at nagdere- deretsyo sa lamesa at kumuha ng Peras.

Nangunot na lang ang noo ko.

"Kelan ka pa natutong kumain nyan?" Nagtatakang tanong ko.

Noon kasi, apple at orange lang talaga ang prutas na kinakain niya.

Mukha namang nagulat din siya sa tanong ko.

"E- Ewan. Feel ko lang k- kumain ngayon." Nagtataka ring sabi niya.

"Anyway, sinong kasama mo?"

"Si Mark Allen at Akira. 'Yun lang, pinabili ko ng kiddie meal si Mark Allen at si Akira naman ay nasa labas pa, hinihintay ang shota niya." Sabi nya na patuloy pa rin sa pagkain ng peras.

"Kiddie Meal? Baliw ka? Pagkakaguluhan 'yon ng mga tao don. Bat 'di ka mag-utos sa P.A. mo?"

"Bakasyon P.A. ko. Nagkasakit ata nanay niya." Napailing na lang naman ako.

Kawawang Mark Allen.








"Bes, aalis na kami ah? Dumaan lang talaga kami. May schedule pa din ako this day." Paliwanag ni Kaye Ann na patuloy sa pagkain ng sandamkmak na kiddie meal.

"Ako rin, tinawagan ako ni Director Cassy. May sasabihin daw siya sa akin." Napatango na lang naman ako sa sinabi ni Akira.

"Wala akong lakad. You want me to stay here?" Nginitian ko lang naman si Elmo.

"No need. Ayos lang ako. Ihatid mo na lang si Akira." Naka ngiting sabi ko.

"Take care, Ivy." Sabi ni Akira at nakipagbeso-beso pa sa akin. Ganun din naman si Kaye Ann.

"Kayo din." Tinanguan lang ako nung dalawang lalaki at sabay sabay na silang umalis.

Napabuntong hininga na lang ako.

Kaya ayaw ko dito sa hospital e. Mamamatay ata ako sa sobrang tahimik.

Kinuha ko ang remote sa may lamesa na katabi lang nitong kamang hinihigaan ko at binuksan ko ang TV.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Where stories live. Discover now