Manhid 44: Turn of Events (Part 2)

123 23 6
                                    

Manhid 44: Turn of Events (Part 2)

Third Person's POV

May sugat man sa noo, nagdudugo man ang kaliwang tuhod, nananakit man ang likod at kanang braso ay pinilit parin ni Ivy'ng tumayo para lamang tignan kung okay lang ba si Haley.

Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib ng makita si Kurk na nag-aalalang tinutulungan si Haley ngunit isinawalang bahala niya lang ito at paika-ika siyang naglakad papalapit sa kanila.

Nakahinga siya ng maluwag nang makitang tanging ang isang paa lang ng kabayo ang nakadagan sa binti at hita ni Haley.

"You b*tch!" Nang makalapit ay itinulak siya ni Haley. Nagsimula itong umiyak samantalang napaupo naman siya sa sahig.

"Sinadya mo iyon ano?" Humahagulgol na sabi nito.

"Of course not! No!" Mabilisang sigaw ni Ivy at nagbakasakali pang tumayo. Ngunit sa sobrang sakit ng katawan ay napaupo lamang siyang muli.

Dumating ang mamang kamina'y may hawak sa kabayo at maingat na inalis ang pagkakadagan nito kay Haley.

"Sinadya mo iyon! Tignan mong nangyari sa akin!" Nalipat ang tingin niya sa kanang legs ni Haley at nakitang puro nga ito galos. Pero kumpara sa natamo niya ay wala pa ito sa kalahati.

"Calm down Haley." Nag-aalalang sabi ni Kurk.

"Sinadya niya 'yon Kurk! I'm telling you." Humahagulgol na sabi nitong muli.

Napaiwas nalang ng tingin si Ivy nang yakapin ito ni Kurk at haplusin ang likod ng ulo.

"Shh. Don't cry." Napapikit ng mariin ang dalaga.

'Walang sinabi ang sakit na nararamdaman ko dulot ng sugat sa katawan ko kumpara sa sakit na dulot ng nakikita ko ngayon sa harapan ko.' Sa isip isip ng dalaga kasabay ng pagtulo ng isang patak ng luha sa kanang mata niya.

Agad niya itong pinunasan.

"I- I'm sorry Haley." Nasabi na lamang ng dalaga.

"No! I'm sure, sinadya mo iyon!" Pilit pa ni Haley at galit siyang tinitigan.

"Pero hindi k--"

"Stop it Lyreen! Nasaktan mo na siya tapos ipipilit mo pa ang gusto mo? Nakita mo ba ang nangyari sa kanya? Iwanan mo muna kami, please lang." Tila libo-libong pana ang tumusok sa dibdib ng dalaga dahil sa narinig na sinabi ng binata. Nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata niya.

"Ma'am Ivy! Okay lang po ba kayo?" Nabaling ang atensyon niya sa mga taong kadarating lang.

"Naku! Lagot tayo kay Direct nito." Nag-aalalang sabi ng isang babae na hindi niya kilala.

"Dadalin po namin kayo sa hospital, Ma'am!"

"Masakit po ba ang sugat niyo?"

"Ano pong nararamdaman niyo?"

Marami pang tanong ang mga tao sa paligid ng dalaga ngunit hindi niya ito naririnig. Tila ba nabingi siya ng mga sandaling iyon.

Lahat ng tao ay sa kanya lumapit at siya ang inalala samantalang kay Haley ay tanging si Kurk lamang ang kasama.

Ngunit mas gugusthin niya ng kay Haley na pumunta ang lahat ng taong iyon at si Kurk ang matira sa kanya.

Ngunit alam niyang kahit kailan ay hindi mangyayari iyon.

Napatitig siya sa dalawang taong nasa harapan niya.

Sabay-sabay tumulo ang luha niya nang makita kung paano nag-aalalang tinatanong ng taong mahal niya ang babaeng kasama.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Where stories live. Discover now