Manhid 5 : Friendship

529 62 5
  • Dedicated to Joana Cruz
                                    

Manhid 5 : Friendship

Kaye Ann's POV

"Ivy, anong nangyari kanina?" Tanong ni Sherwin kay Ivy nang makalabas na ito sa jail booth.

"Wala." Walang kaapog-apog na sagot naman ni Ivy tyaka inunahan kami sa paglalakad.

"Tss. Wala daw. Nakita ka kaya naming kausap sila Kurk at Akira kani-- *Hmmp. Hmmp.*" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang takpan ni Sherwin ang bibig ko.

"Nakita niyo naman na pala, nagtatanong pa kayo." Balewalang sabi niya at iniwan na kami. Agad ko namang tinanggal ang kamay ni Sherwin sa bibig ko.

"Ang baho ng kamay mo." Sabi ko at iniwan na rin siyang mag-isa.


Ivy's POV

"Ivy, picture tayo." Hindi pa man ako nakakapagsalita ay hinatak na ako ni Sherwin.

Itinapat niya ang camera sa amin kaya agad akong nagpose.

*Click.*

"Sali ako." Sumingit pa si Kaye Ann sa gitna namin ni Sherwin at tulad nga ng sinabi niya, sumali siya sa picture(an).

"Isa-isa naman. Ikaw muna, Ivy." Hinatak ako ni Kaye Ann at pinaupo sa kaninang inuupuan ko.

"Ipatong mo yung hands mo sa lap mo." Saglit ko siyang pinangunutan ng noo pero ginawa ko rin naman ang inutos niya.

*Click.*

"Another pose, please." Agad akong nagpeace sign dahil sa sinabi niya.

*Click.*

"Akala mo ba kinaganda mo 'yang pagpi- peace sign mo?" Sabay sabay kaming napalingon sa nagsalita at nakita si Akira.

"Oo. Kinaganda niya 'yon. Pero ikaw? Kahit anong pose mo, wala ring mangyayare." Agad na sagot ni Sherwin.

"I pity you, Ivy. Kailangan mo pa ba talaga ng tagapagtanggol?" Nakangising tanong ni Akira na hindi pinansin ang sinabi ni Sherwin.

"Hindi ko kailangan ng awa mo at hindi ko rin kailangan ng tagapagtanggol. Mag-isa pa nga lang ako barado ka na, pano pa kaya 'pag dalawa?" Nakangisi ring sagot ko sa kanya.

"Sadyang hindi lang kita pinapatulan kasi baka mamaya mapahiya ka na naman." Dagdag ko pa.

"Really? Wala naman rin akong pakialam kahit na mapahiya pa ako kasi I know, mananatili pa rin sa tabi ko si Kurk kahit anong mangyari." Napatigil ako dahil sa sinabi niya. Pinilit kong ngumiti tyaka sinabing..

"Really?" Sabi ko at ginaya pa ang accent niya.

"Wala rin naman akong paki. Si Kurk? Nakakain ba 'yun? Kawalan ba 'yun?" Dagdag ko pa.

"Tss. Kung makapagsalita ka dyan akala mo basta basta lang si Kurk. Sino ba 'tong panget na naghahabol sa kanya?" Ganting sabi pa niya. Nginisihan ko lang ulit siya tyaka sinabing..

"Basta basta? Bakit, ano ba siya? At huuuuwaaaaw! Ang kapal nga naman talaga ng mukha mo. Ginawa mo pa akong salamin." Agad nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko.

"YOU--ARRRRGH!"

*Booogsh*

Napatigil ako nang bigla niyang hatakin ang buhok ko.

(Play the video on the side)

I was shocked. Really shocked.

Ang best friend ko nagagawa sakin 'to?

Nakalimutan ko, may NOON pala dapat.

Ang best friend ko noon, nakakayang gawin sakin 'to ngayon?

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Where stories live. Discover now