Manhid 36: Broken Hearts

133 22 5
                                    

JN's Note:

Hindi ko alam kung nakakaiyak 'tong chapter o nakakauyam. HAHAHA. Sorry na. Hindi kasi ako madrama.

PS: Sorry sa typo. Hindi ko na ieedit.

Manhid 36: Broken Hearts (Thea's Part)

Thea's POV

"Keith naman! Pakinggan mo naman ako. Kahit ngayon lang!" Nagpipigil ng luhang sabi ko.

"Palagi kitang pinakikinggan Thea! Ano pa bang gusto mo?"

"No, Keith! Hindi mo ako pinakikinggan. Never mo pa akong pinakinggan! Sa ating dalawa, ako lang ang nakikinig sayo. Palagi nalang ikaw lang ang may karapatan. Paano naman ako? Palibhasa, ako lang naman ang nagmamahal sa relasyong 'to e!"

"Eto na naman ba tayo? Ha, Thea? Sasabihin mo na naman bang ikaw lang ang nagmamahal sa relasyon na ito at iba ang mahal ko? Na si Ivy ang mahal ko?"

"BAKIT, HINDI BA TOTOO?" Napatigil siya at hindi nakasagot dahil sa sinabi ko dahilan para tumulo ang luha ko.

Hanggang ngayon..

Hanggang ngayon, umaasa parin ako na sasabihin mong hindi totoo. Hindi totoo dahil ako ang mahal mo.

Pero bakit? Bakit hanggang ngayon, hindi mo ko parin naririnig sayo ang mga salitang 'yon? Bakit hanggang ngayon, hindi mo parin ako magawang mahalin?

"Sa tuwing gusto mo siyang makita, pinapayagan kita. Kapag iniistalk mo mga accounts niya, nagsasawalang kibo lang ako. Sa tuwing nandyan ka palagi para sa kanya, sa tuwing gusto mo siyang tulungan o protektahan, tahimik lang akong umiiyak sa isang tabi. Pero Keith! Pagod na pagod na akong manahimik! Pagod na pagod na akong magparaya at pagod na pagod na akong panoorin kang habul-habulin siya habang siya walang pakialam sayo! Bakit ba tayo nagkaganito ha? Ano bang nangyari sa atin, Keith? Okay naman tayo nung wala pa siya a? Okay naman tayo diba? How I wish na hindi na siya bumalik! Sana doon nalang siya sa America tu-- *PAK*"

Napatigil ako sa pagsasalita ng dumampi ang palad niya sa pisngi ko.

Napahawak ako sa kaliwang pisngi ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.

"'How dare you to say that? Hindi ganyan ang Thea'ng kilala ko. Ang Thea'ng kilala ko ay mapagbigay, maunawain at mapagmahal."

Sinamaan ko lang siya ng tingin saka sumigaw.

"YUN NA NGA KEITH! SAWANG-SAWA NA AKONG MAGING MAPAGBIGAY, MAUNWAIN, AT MAPAGMAHAL!" Malakas na sabi ko at puno ng sama ng loob.

"Sawang-sawa na akong pagbigyan ka sa tuwing minamahal mo siya at gusto mo siyang makita! Sawang-sawa na akong unawain na hindi mo ako gusto at siya ang mahal mo!" Napatigil ako dahil tuloy tuloy na tumulo ang mga luha ko.

"At higit sa lahat-- higit sa lahat! Sawang-sawa na akong mahalin ka."

Napatigil siya dahil sa sinabi ko at napatitig nalang sa akin. Maya maya pa ay nagsalita siya.

"Alam mo naman Thea diba? Hindi ko kayang baguhin ang nararamdaman ko! Hindi ko kayang utusan ang puso ko na huwag nalang siyang mahalin at ikaw nalang ang gustuhin!"

"Alam kong hindi mo kayang utusan ang puso mo Keith. Kasi ako, kahit ako hindi ko magawa! Hindi ko magawang utusan 'tong puso ko na huwag ka nalang mahalin at humanap nalang ng iba. Pero sana--" Tumigil ako sa pagsasalita at tinitigan siya.

Mata sa mata.

"Pero sana nirespeto mo manlang ako bilang girlfriend mo. Pero hindi e! Dahil habang ipinagkakalat ko na in a relationship tayo, nandun ka! Sa tabi niya. Ipinagsisigawan na mahal mo siya! Habang hinahabol kita, hinahabol mo siya! At habang nagpapakatanga ako sayo, nagpapakatanga ka naman sa kanya!" Muli akong tumigil at huminga ng malalim.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon