P R O L O G U E

116K 2.2K 1.1K
                                    

Ruled

Bend

"What's your daughter's name?"

Kabado ako nang marinig ang kanyang tanong. My chest was aching so bad. Takot, galit at nerbyos ang pilit na yumayakap sa akin.

Mapait akong umiling. Hindi ko kayang ipakilala sa kanya ang aking anak! Hindi ko ilalagay ito sa sitwasyong matutulad ito sa ginawa ko sa kanyang pinsan sa nagdaang mga taon.

I always believe that the true reason why he's after me because of what I did from the past. Iyon ang kasalanang hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maamin amin sa sarili na ako ang rason ng gulong iyon.

Hindi ko kayang paniwalaan na may iba pang rason kaya niya ako sinusundan sa syudad na alam kong malayo sa tahanan niya. Nandito siya dahil gusto niyang gumanti!

"Wala siyang kinalaman sa pagkakamali ko noon! Huwag niyo siyang idamay!" matigas at halos manginig ako sa galit nang tingnan siya.

His eyes softened. Umiling siya at ngumiti ngunit hindi ko iyon kayang paniwalaan.

"She's my daughter!" giit ko.

Binasa niya ang labi at tumango.

"Who's her father?" kalmado pa rin ang kanyang tanong.

The lump on my throat made me stop from talking. I couldn't even tell if this is real from those nightmares or what. Minsan, pakiramdam ko ay malayo na ako sa reyalidad sa lahat lahat ng nangyari dahil ang hirap paniwalaan.

Ang mga gabing iyon ay malala. Palagi akong tumatakbo at may tinatakasan. Natatakot akong huminto dahil para bang buhay ang magiging kapalit kung huminto ako at naabutan nila akong lahat.

At sa tuwing nakikita ko siya, pakiramdam ko ay nagiging totoo ang mga bangungot ko.

He's part of that nightmare. He's part of that memory I want to forget forever!

Kaya ngayong nandito na naman siya sa harapan ko, gusto kong isipin na baka ay iniisip niyang kanya ang bata ngunit malabo iyon lalo na't alam ko ang totoo. At alam kong alam niya rin ang bagay na iyon.

Noon pa man ay hindi ko siya gusto. Hindi siya ang lalakeng nagustuhan ko sa kanilang magpipinsan. He's the least I like.

I always think of him as the villain. I never saw him as the knight in shining armor who'd save me from evil coz I know I am the antagonist who doesn't need to be protected.

Ang nangyari sa nakaraan ay magsisilbing palatandaan sa akin kung bakit ayaw ko sa kagaya niya. At kahit ilang taon pa siguro ang lumipas, hinding hindi magbabago ang tingin ko sa kanya.

Umatras ako at tumalikod, gustong gusto na namang tumakbo at maglaho sa kanyang tingin.

This isn't the first time I saw him and this isn't the last time I turned my back just to run from his sight. I don't want to face him. I want him gone forever in my life.

"Franca," the familiar voice called me in a cold manner.

Humarap ako at medyo nagulat sa kanyang pagsunod.

"Hey..." natatawa kong bigkas habang itinatago ang aking mga kamay sa likuran.

Humalikipkip siya sa aking harapan habang nakaangat na ang kanyang kilay habang nakikita ko ang pagsilip niya sa aking tinatago. His snob expression resembled his father alot.

"What are you doing here?"

Inosente kong iginala ang tingin para kunwaring maghanap ng sagot. Nakikita ko ang mga liwanag na sumisilip sa bawat dahon at tila ba palaging may anghel ang bababa sa langit kaya kumikinang ang buong paligid.

R U L E D (NGS #10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon