7th Ruled

59.6K 1.7K 438
                                        

Ruled

Wrong Move

Sa tuwing napag-uusapan ata ang tungkol sa boyfriend ay palaging pinapaalala ng aking parents na ayaw pa nilang pumasok ako sa ganoon. Malinaw sa akin ang gusto ni Daddy. Ayaw niya akong nagbo-boyfriend muna.

Humagikhik ako habang hinihila si Latch sa kakahuyan.

"This is too far from the-hmm..." his words turned into moans when I faced and kissed him.

Napasandal siya sa malaking puno ng kahoy habang tinutugunan ang aking mga halik.

"Mas maayos kung malayo tayo. They will not see us kissing," I chuckled softly.

Summer na ulit kaya dito na naman kami sa probinsya mananatili ng ilang araw. Nangangabayo lamang kanina kasama ang kambal ngunit bumaba kami rito para lumalayo layo sa aking mga pinsan at maghalikan sa liblib na kakahuyan.

Latch flipped our position and pinned me on the tree. Humalakhak ako nang siniil niya ako ng halik.

"Kailan mo ba kasi ako magiging boyfriend?" tanong niya habang hinahawakan ang aking pulso.

Matangkad siya kaya kailangan ko pa siyang tingalain.

"My father doesn't like the idea of having a boyfriend?"

He snorted. "That's why you're keeping me as your fling?"

Ngumisi ako at hinila ang kanyang tshirt para mapayuko siya. Irita pa noong una ngunit sunod sunod din ang pagsukli niya sa aking mga halik.

Wala namang sinabi si Daddy na bawal akong makipaghalikan? And maybe he's just worried because I am not yet eighteen? Paano nalang kaya kung nalaman niya na ang nag-iisa niyang anak ay laging may kahalikan sa kakahuyan? I can see his rage clearly on my mind. He'll definitely get his gun while cursing.

Kaso hindi niya naman alam kaya... mas lalo akong nakipaghalikan kay Latch.

"Dito ka pa rin mag G-Grade Eleven?" kuryoso kong tanong habang hinahawakan ang kanyang pisngi at tumigil sa paghalik.

Huminga siya habang malalim ang paninitig sa akin.

"Yes... Kaso baka may balak akong sa Manila mag college," sabay angat ng kilay.

Ngumisi ako habang bumababa ng dahan dahan ang aking tingin sa kanyang labing namumula.

"Hmm... magandang idea 'yon. Madalas tayong magkikita at..." hinagod ko ang aking labi sa kanyang labi.

"At ano? Continue..." si Latch na itinagilid ang ulo at eksperto akong hinalikan.

Pumikit ako at nangingiting iginapang ang kamay sa kanyang matigas na dibdib pababa sa kanyang tiyan.

"At hindi ako mangungulila sa mga halik mo," bulong ko sabay haplos sa kanyang tiyan.

Latch groaned on my mouth. Kung hindi lang kami may narinig na yabag ng mga paa ng kabayo ay hindi ko siya maitutulak palayo.

Naka half open pa ang kanyang labi at lasing ang tingin nang maputol ang aming halikan. Binasa ko ang pang-ibabang labi at inayos ang sarili. Ngumiti ako ng matamis kay Latch saka naunang lumapit sa puti kong kabayo na itinali ko lamang sa puno.

Inayos ni Latch ang puting tshirt at nakaangat ang kilay habang kinukuha na rin ang kabayo.

Nauna akong sumampa at pinatakbo agad bago pa madatnan doon ng aking mga pinsan. Tumalbog talbog ako lalo na't binilisan ko ang pagpapatakbo.

I just learned to ride it last year in a skillful manner. Noong una ay hindi ko pa nakokontrol ang kabayo pero sa dalas namin dito ay natuto rin kalaunan.

R U L E D (NGS #10)Where stories live. Discover now