2nd Ruled

47.9K 1.5K 738
                                    

Ruled

Fight

Hindi na kami kasama noong bumalik din sina Tito Uno kasama ang kanyang pamilya sa probinsya lalo na't doon magtatapos ng highschool ang kambal.

"Ireto mo kaya ako kay Ryler," si Tina sa first day of school ng Lunes na iyon.

Magkaklase kaming muli. She's popular at hindi rin malabong magustuhan siya ni Wayt.

"Mailap siya sa girls eh," sabi ko habang nilalagay sa desk ang iPad.

"Close ka kay Nana. That shy girl... madalas 'yung kasama ni Ryler. I mean parang kahit saan si Ryler nandoon siya," aniya at tiningnan ang screen ng iPad ko na kulay pastel.

"Sige. I'll try."

Napangisi siya at tumayo pa para yakapin ako. Tumawa ako lalo na't masayang masaya siya sa bagay na iyon.

I know she has a crush with that Delafuente. Hindi pa man ako close sa kanya, naririnig ko na iyon simula noong Grade Nine ako. Si Sofia naman ay crush din si Wayt noong Grade Eight ito ngunit siguro sumuko rin lalo na't hindi talaga namamansin sa babae si Wayt. Pili lang lagi.

Hindi ko kaklase si Nana ngunit nakakapag-usap kami sa Clubhouse tuwing humahalo ako sa kanilang magpinsan lalo na't naroon din si Cassey at si Chey na todo fangirling kay Toshi.

Noong lunch time ay sumabay na rin si Sofia sa amin. Sila halos ang kasama ko sa mga araw na lumilipas.

"OMG! Wayt just... just texted me!" namimilog ang mga mata ni Tina nang ibalita iyon sa akin sa Huwebes habang nasa library kami.

Iritang sumenyas ang librarian na hinaan ang boses. Ngumiti si Tina nang nilingon niya ito saglit saka rin umupo at ipinakita sa akin ang screen ng kanyang cellphone.

"Look!"

She showed the screen of his phone. Nakita ko ang reply ni Wayt sa text ni Tina na 'Hi Ryler. This is me Tina Flores. At ang simpleng 'Oh hi,' lamang ang reply ni Wayt.

Pinaypayan ni Tina ang sarili at paimpit na ang kanyang tili. Nangingiti akong umiling at natanaw ang pagpasok ni Sofia sa loob ng library habang gumagala na ang tingin.

"Oh thank you, Franca!" si Tina na niyakap ako.

Kuryoso ang tingin ni Sofia nang lapitan kami. Doon na hindi naputol ang pag-uusap kahit sinasaway na si Tina sa sobrang ingay niya.

Hindi na ako nagtaka nang maging girlfriend siya ni Wayt. It's predictable since Wayt is into girls like her, popular and model type of body.

Dala ko ang mga librong ibabalik sa locker room nang makasalubong si Ken at si Blue sa corridor ng school. Parang may pinag-uusapan ang mga ito at malawak ang ngisi ni Ken habang si Blue naman ay nangingiting nakikinig.

Ilang hakbang pa palapit ay napansin agad ako ni Blue. The smile on his lips were there but his lips curve more.

Ngumiti ako pabalik hanggang sa pati si Ken ay napatingin na rin. Mabilis na lumawak ang kanyang ngisi.

"Hi Franca..."

"Hi Ken," I smiled more.

Tumigil ang dalawa sa aking harap. Tumigil din ako lalo na't matatangkad pa.

"Kailan ba ang balik ulit ng kambal dito? Summer ulit?" kuryosong tanong ni Ken.

"Oo eh. Pero mukhang dito sila magkokolehiyo lalo na't nabanggit 'yon ni North," sabi ko habang napapansin ang pagnguso ni Blue.

Tumango si Ken at parang nag-isip isip pa dahil sa pagkunot ng kanyang noo.

"Dapat dito na rin sila nag highschool," aniya.

R U L E D (NGS #10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon