3rd Ruled

44.6K 1.4K 892
                                    

Ruled

Crush

Tina and Sofia just ended their friendship. At ang dalawa ay sumisipsip pa sa akin sa text while I'm comforting them both.

Nasa basketball ako with girls and boys. Naglalaro ng basketball ang mga lalake and as usual nanonood ng game ang mga girls. But sometimes, I don't really watch them play. I just watch everyone's business, curious with what's going on.

Si Elle at Zera ang magkatabi. Zera's silent while Elle's mumbling something beside her. Narito rin si Cassey at ang katabi ay ang pinsang si Chey na nangingiting nakatingin kay Toshi na irita sa pagtakbo at pilit kinukuha ang bola na hawak ni Grey. Si Nana naman ang aking katabi na pangiti-ngiti rin at nag-eenjoy sa panonood.

Ang wala rito ay si Daphne, Irah at Shanaia. Irah's not really into this, like watching them play. For her it's boring. Si Daphne naman ay ewan ko kung bakit. And Shanaia, either she's too lazy or she's not interested watching them play.

Humalakhak ang pinsan kong si Trey at nakipaghigh-five na sa nakangisi ring si Toshi. Grey looked pissed. His shoot missed.

"Man up, dude!" tapik ni Ken sa iritang pinsan na hinawi agad ang kanyang kamay.

"'Di ba crush mo si Kuya Trey? Bakit wala kang gatorade? Gano'n si Ate Chey kay Kuya Toshi kasi crush niya," rinig kong daldal ni Elle sa pinsang tahimik.

"Go Tosh!" hiyaw ni Chey at palakpak.

"Tahimik nga, couz. Baka magsuntukan pa sila ni Grey," sita ni Cassey habang nagbabalat ng fererro rocher na chocolate.

"Kumusta na si Tina at Sofia? Magkabati na ba sila? Nag-away daw sila e," si Nana nang dahan dahan akong lingunin.

I automatically smiled to her. Ayon, friendship over na.

"I think they're both fine. Huwag mo nang isipin 'yon. 'Tsaka magkakabati rin sila," sabi ko nang gumaan ang kanyang loob.

Baka pag nakonsensya pa ito ay pilitin si Wayt na kausapin ulit si Tina. It's gonna be a big headache for me. Hindi naman sa hindi ko sila kaya ngunit ayoko namamantsahan ang pangalan ko.

"Gano'n ba pag may girlfriend, Tosh? Nakakainspire?" halakhak ni Trey habang nagsisiupuan na sila sa sahig para magpahinga.

Tosh tried to kick him while drinking his water. Tumawa lalo ang aking pinsan.

"Pahinging tubig, Hiro!" si Ken na inaagaw na iyon kahit hindi pa tapos uminom kaya natapon sa jersey niya.

Iritang tiningnan ni Hiro ang pinsang humalakhak lamang at dinala ang mineral water sa bibig.

"Nasa'n ang tubig?" naghihingalong si Red sa kambal.

"Dapat ako ang nagtatanong sa'yo. Ikaw 'di ba magdadala?" si Red na kunot-noong nakapamaywang.

"What? I told you to bring water for us!"

Napansin ko ang paghalf jog ng pawisang si Wayt patungo sa amin. Bumaba ang tingin ko sa kandungan ni Nana at nakita ang Hydro flask tumbler na hinawakan agad ni Nana at hinihintay nalang ang paglapit ng pinsan.

"Nana," tawag ni Wayt nang makalapit sa amin.

Tumagilid ang ulo ni Hiro at sinilip ang likod ni Wayt dito hanggang sa nag half jog siya. He's pissed coz Ken snatched his own water.

Ininom ni Wayt ang tubig sa aming harap. Basa ang kanyang leeg. The sweat were dripping on the tip of his black hair.

"Wayt. Painom," habol ng tinig ni Hiro sa likod.

R U L E D (NGS #10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon