13th Ruled

38K 1.5K 1.6K
                                    

Ruled

Cute

Hindi rin naman ako nagtagal sa birthday celebration ni Ken lalo na't pinapauwi na rin ako ni North. Sinundo rin ako ni Dad. Si Irah ang hindi pumunta at nagmumukmok na naman ata sa kuwarto.

Unknown:

Hi Franca. This is me. Blue.

I saved Blue's number. Nagbeep ulit ang aking cellphone sa panibagong text.

Ken:

Breakfast ;)

Nakita ko rin ang text ni Latch.

Latch:

I miss you.

At ang iba pang text ng mga lalake kong friends na hindi ko na ata kayang basahin. Bigla kong naalala ang nabasang text. Rooftop? Magkikita sila sa rooftop?

Simula noong nagsimula ang klase ay araw araw na ata akong umaakyat sa rooftop kaso lock naman lagi. Binubuksan ko pa kaso mukhang wala talagang tao.

"Rooftop?" takang tanong ni Ken nang tumawag siya kinagabihan.

"Bawal ang mga students sa rooftop. Sa pagkakaalala ko si Hiro ang humahawak ng susi. What about it?"

Ibig sabihin ay may access nga si Hiro sa rooftop. At meeting place nila ni Naia? O magkikita sila doon para mag-usap? I'm curious.

"Gusto mo bang pumunta doon? I'll get the keys and we can go there..." presinta ni Ken na ikinangiti ko.

"Uh, ano naman ang gagawin natin doon?" I chuckled.

"Hmm... kakain?" Ken chuckled back.

Pumikit ako at napahiga sa aking unan. Niyakap ko ang malaking teddybear at ibinaon ang labi sa katawan nito.

"Pwede naman..." 'tsaka halikan, Ken.

"Ahuh..." he laughed softly. "Let's try it. Susubukan kong hiramin kay Hiro ang susi."

Gabi gabi nalang ata akong nakangiti dahil sa mga tawag at text ni Ken. May mga araw naman na hindi kami nagtetext pero ayos lang naman total alam kong may iba ring dapat pagkaabalahan.

Nagpatuloy ako sa pagbalik sa rooftop. Baka naman sa ibang rooftop? Maraming rooftop. Pero kung ako si Naia ay maghahanap talaga ako ng tahimik na lugar kung saan ako tatambay at sigurado akong ganoon din ang iniisip ni Hiro sa kanya.

Bumaba akong muli at pumasok sa iilang subjects ko. Palagi kong tinitingnan si Naia na tahimik lang. Parang walang pakialam. Ganyan nga. Hurt his ego. Don't give-in.

Dinala ko ang mga books para ibalik sa locker room habang iniisip ang rooftop. Kuryoso ako eh. What if may tago pala silang relasyon? What if ginagawa nilang nest ang rooftop at naghahalikan sila doon?

Hindi 'yon imposible. Kaso kung sila pala bakit naman hindi s-in-end ni Hiro 'yung corny niyang text? Kung girlfriend niya pala eh bakit nag-aalangan siya?

Ibig sabihin walang gusto si Naia. Ni hindi nga siya nirereply-an.

"I like you," rinig ko ang pamilyar na tinig sa locker ng mga girls kaya naging mabagal ang aking paglalakad.

That voice is very familiar. Madalang kaming mag-usap pero alam ko kung sino 'yon.

"What? Are you serious? Ikaw?" natatawa ang tinig ng babaeng pamilyar din sa akin.

Oh... so there's something going on between them?

Nanatili ako at nakinig pa. They started talking but the way she answered him feels off. Parang... walang patutunguhan.

R U L E D (NGS #10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon