Ruled
This is the last chapter of the story! See you in Epilogue.
———-Completely
Tiningnan ko ang pagbaba sa airport. Matao at makikita mong umuuwi rin ang iba, ang iba naman ay paalis pa.
I will start another life in here. Bago. Siguro malayo na sa nakagisnan ko ngunit alam ko kung paano magsisimula.
I needed a fresh start after what happened. Malayo man sa Manila at sa mga mahal ko sa buhay katulad nila Lolo at Lola, ang mga pinsan ko, at mga nagmamahal sa akin, ngunit alam kong masaya sila para sa desisyon kong ito.
Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan. Ngumiti ako at ganadong naglakad patungo sa direksyong dapat balikan, tinatanaw ang pamilyar na lalakeng hindi man lang umalis sa kinatatayuan niya, nakapamulsa at nakayuko.
Para na namang inapi kaya ganoon ka dismayado, ganoon ka lungkot at umugat na ang paa sa kung saan ito iniwan. Miserable at pilit tinatanggap ang desisyong pinanindigan hanggang dulo.
Umahon ang tingin ni Hiro. Ang namumungay at pagod na mga mata ay nahanap ang akin. I smiled. His eyes slowly widened and his lips parted. Kita ko ang paglabas niya sa kanyang mga kamay sa kanyang bulsa at kumunot ang noo.
I saw how his eyes turned into bloodshot. How his jaw clenched and looked at me intensely. Sunod sunod ang malalaki niyang hakbang at halos may pagmamadali sa kilos para lang masalubong ako.
Huminto ako.
"I'm inlove with Hiro, Mom... Dad..." sa gabing iyon bago ang flight.
My mother's eyes widened but she slowly calmed down and smiled.
"We know, hija..." she laughed happily.
"At gusto kong manatili rito sa Davao. Sa bahay namin sa Crocodile Park..."
My mother nodded and smiled. My father looked at me seriously but he's calm.
"Did you confess to him?" my father asked.
Umiling ako. "But we kissed."
Mommy laughed hysterically.
"Duda talaga ako sa goodbye kiss na 'yon..." nailing si Dad at parang may ibang alam.
"And you didn't tell him that you love him?! But you kissed him?!" tawang tawa si Mommy habang si Daddy, mariin ang titig sa kanyang tabi lalo na't nakaupo sila sa malaking sofa at ako itong nakatayo sa kanilang harapan.
"It was an assurance Mom... he kissed me infront of their clan," I chuckled.
"At anong reaksyon mo?" tanong niya, tila ba proud na proud na may ganoong nangyari.
"Of course I kissed back," mayabang kong sabi at ngumisi.
Mas naging malakas ang tawa ni Mommy at sunod sunod. My father's brows furrowed.
"Torrid?!" Mommy asked more.
"Addi," saway ni Daddy at napahilot sa kanyang sentido.
"It's a long kiss..."
Naging mahaba ang tawa ni Mommy, walang pakialam kahit sobrang magkasalubong na ang kilay ni Dad. I chuckled and brushed my hair. Binasa ko ang labi at tumingin sa ama kong pinoproseso pa ata sa isip ang lahat.
"Nangako 'yon sa'kin na hindi ka hahabulin at tatantanan kana," ani Dad, na sigurado siyang hindi mababali ang paninindigan ni Hiro.
"Kaya ako ang hahabol, Dad..." ngisi ko.
Ang humuhupang tawa ni Mommy ay nadagdagan ng panibago at lumakas. Natutop ang bibig ni Daddy at mariin akong tiningnan.
"I'm a mess but you told me I'm perfect for him..."

YOU ARE READING
R U L E D (NGS #10)
RomanceMara Torrefranca Buenaventura is one of the "deadliest" girl in her clan. She wears innocence as a mask that hides her wickedness and ruthlessness behind an angelic facade. She's the karma of those people who hurt her first. But one heartbreak would...