Ruled
Karma
Si Ken ang ka text ko whole December. Wala si Irah at ang pamilya niya noong New Year lalo na't sa Canada sila nagpasyang magcelebrate kung saan siya ipinanganak kasama ang kanyang mga tinuturing na Dada. It's fine since nasa Davao naman kami ng aking parents at sila Rina 'tsaka Florisse ang ka bonding ko.
"Ano ang kukunin mong kurso?" kuryosong tanong ni Florisse nang nasa Davao ulit kami noong Chinese New Year.
Kapwa kami nakahilig sa gilid ng jacuzzi. Makulimlim ang langit. Si Irah at Rina ay nasa patio na abala sa kani-kanilang mga cellphone habang ang mga boys ay nasa loob lamang ng bahay at nag-iinuman lalo na't hinayaan sila ng aming parents total legal age na.
Hindi pa naman sana legal age ang kambal lalo na't this February pa sila magiging eighteen kaso parang atat nang kumawala si North at gustong gusto nang uminom kaya pinagbigyan nalang.
"Pharmacy sana pero kuryoso ako sa Psychology kaya pinag-iisipan ko pa. Ikaw?"
"Accounting siguro. 'Yun din ang gusto ng aking parents. You know they're planning for another Mall in the City. Gusto nilang makatulong ako sa business someday."
Tumango ako lalo na't ang isang branch ng Mall sa downtown ay hindi naman talaga ganoon ka laki. Hanggang tatlong palapag lang at kahit mga fast food ay bilang lang sa kamay. Wala ngang McDo o Jollibee.
Natahimik kami saglit. Ipinahinga ko ang ulo sa aking mga braso at pumikit habang nakaharap kay Florisse.
"Oo nga pala. You looked a bit sad on your birthday. Nag-alala ang lahat. Hindi sumipot ang last dance," aniya.
Dumilat ako.
"Ah, 'yun ba? Disappointed lang ako pero ayos naman..."
"Uh, sino 'yung huling nakasayaw mo? Sila ba 'yung tinutukoy nila Kuya Rehan na sinusungitan ka noong practice?"
Tumango ako sabay abot ng mga dumikit na buhok sa kanyang pisngi. Isinabit ko iyon sa gilid ng kanyang tainga.
"Crush mo 'yon?" kuryoso niyang tanong na gusto kong masuka.
Sa lahat ng magiging crush ko at bakit naman si Hiro?
"Hindi. 'Yung isang pinsan niya ang medyo tipo ko," bulong ko sabay ngiti.
"Hmm..." parang nag-isip isip siya. "Ken?"
Nagulat ako lalo na't kilala niya.
"Pinakilala kasi kami ni Tita Addi sa kanila. And Ken... uh, siya 'yung natatandaan kong kumindat sa akin. He's charming."
Huminahon ang aking ekspresyon. At kumindat. Lahat ata ng maganda ay magiging tipo ni Ken.
"Oo. Ano 'yon... playboy," tawa ko.
"Halata nga. Pero mas tipo ko 'yung isa pa. 'Yung suplado."
"Suplado sila halos, Florisse. Sino doon?"
"'Yung laging nakadikit sa babae? That shy girl..."
Ah?
"Wayt? Ryler Wayt?"
"Yes. Ryler," parang naalala niya.
Mga family friends lang naman kasi ang tumatawag sa kanila ng Wayt, Blue, Red, Grey. Their famous names are Ryler, Caden, Kaizen and Ashton. Ang mga babaeng nakiki Wayt, Blue Red at Grey ay feeling close lang siguro maliban sa pinsan talaga at family friend katulad namin.
"Suki 'yon sa mga girls."
Tumango siya ngunit hindi masyadong bumabakas sa mukha na interesado.
"Balak mo nang mag boyfriend ngayong eighteen kana?"

YOU ARE READING
R U L E D (NGS #10)
RomanceMara Torrefranca Buenaventura is one of the "deadliest" girl in her clan. She wears innocence as a mask that hides her wickedness and ruthlessness behind an angelic facade. She's the karma of those people who hurt her first. But one heartbreak would...