22nd Ruled

38K 1.4K 1.1K
                                    

Ruled

Hot

Pumipikit pikit na ako nang makarating kami sa bahay. Bumukas ang malaking gate habang humihikab ako. Natanaw ko agad si Dad sa terasa, may kausap sa kanyang cellphone at mukhang naghihintay sa aming pagdating.

Tumigil saglit si North at bumusina. Dumungaw siya sa bintana at may kung anong sinenyas sa likod. Mapupungay na ang aking mga mata nang tumingin sa itaas ng salamin at nakita ang paghagis ni Hiro sa upos ng sigarilyo palabas ng bintana.

Nauna akong bumaba. Napatingin si Dad, bumabagal ang pagsasalita hanggang sa pinatay niya na ang tawag. Sinalubong niya ako.

"Dad..."

"Sweetheart," si Dad.

Yumakap agad ako. Hinagkan niya ang tuktok ng aking ulo at hinaplos ang aking likod.

"How's the party?" bulong niya.

"Nag-enjoy ako," nangingiti kong sabi nang humiwalay.

My father nodded and looked at North. Nilingon ko rin ang pinsan kong lumabas na sa driver's seat pagkatapos i-park ang kotse habang iginigiya ang kotse ni Hiro papasok sa loob.

"Tito... we'll drink here," ani North nang lingunin si Dad na napunta na ang tingin sa Mustang ni Hiro.

My father nodded and went to my cousin. Humalukipkip ako at humikab. Kita ko kung paano lumabas si Hiro sa driver's seat. He looked calm but I can sense his nervousness. Magaling niya lang nadadala.

"Good evening, Sir," bati ni Hiro kay Dad.

I saw how my father looked at him with judgements in his eyes.

"You're Scarlet Gail's son, am I right?" ang mala awtoridad na tinig ni Dad ay parang kulog na pumaibabaw.

"Yes Sir..." marahang sabi ni Hiro.

Naninimbang ang tingin ni Daddy kay Hiro. I'm not sure if he will like the idea of having a Delafuente inside our mansion. Kabilin-bilinan niya last year, noong issue ni Nana, na iwasan muna ang mga ito.

But North just invited a Delafuente. At ang ama kong may tiwala lagi sa desisyon ni North ay magiging maamo rin. Wala namang atraso ang mga ito sa amin, kami pa nga dapat ang magpakumbaba, lalo na't hindi naging maganda ang nangyari.

"Parehas nilang kaibigan 'yung nasa party na dinaluhan ni Franca, Tito. Mabuti nga at nandoon pala si Hiro. Na-late ako sa pagsundo..." halakhak ni North.

Kitang kita ko ang pagkalma ng ekspresyon ni Dad at tumango sa pangyayari.

"Pumasok kayo at sa loob na mag-inuman," ani Dad bago tumalikod at nagtungo pabalik sa akin.

I smiled to my father. His face calmed down. Inakbayan niya ako nang makalapit habang inaantok kong niyayakap sa gilid si Dad.

Naririnig ko ang yabag ng mga paang nakasunod sa amin. Bukas pa ang ilaw sa malaking sala. Wala nang gising na kasambahay lalo na't hindi ko nakikita si Manang Jema. Mukhang pati si Mommy ay tulog na rin at si Daddy ang nagtiyagang hintayin ako.

"I'm sorry matagal ako ng kaonti, Dad," sabi ko.

"It's fine... Nagpaalam ka naman."

I smiled and nodded.

"Goodnight, Dad..." sabi ko at hinagkan siya sa pisngi.

"Goodnight..."

Kumalas ako kay Daddy. Nilingon ko ang pinsan.

"Goodnight North," bati ko.

My cousin smiled. "Goodnight."

Saka lumipat ang aking tingin kay Hiro na nakapamulsa sa gilid ni North at tahimik lamang. Ilang sigundo kaming nagtinginan ngunit binawi ko na lamang lalo na't inaantok na rin.

R U L E D (NGS #10)Where stories live. Discover now