37th Ruled

39.2K 1.5K 2.1K
                                    

Ruled

Dream

"Did you see it?" pangungulit ko lalo na't natitigilan si Hiro.

Binawi niya ang tingin, ang mga mata ay hindi tumititig sa akin. Kinabahan ako. Noong sumulyap siya, halos malambot na at dahan dahan ang pagtango.

"Yes..." he said.

Sabi na at magkamukha eh!

Huminga ako at tiningnan si Illisha.

"You're hurt, Mommy?" she asked.

I smiled and shook my head. "I'm fine!"

Tumingin si Hiro sa aking ngiti. Muling nilingon ang direksyon ni Illisha.

"Go upstairs. Don't worry, I'm fine," I said to convince her.

She nodded quietly. Tumingin siya sa likod ni Hiro ngunit mabilis ding binawi at umakyat pabalik sa itaas.

Ibinalik ko ang tingin kay Hiro. Inalis din ni Hiro ang tingin sa hagdan at tahimik niyang tinititigan ang aking sugat. Maybe he's thinking I married someone? Yumuko siya ng kaonti at bumuntonghininga.

Hindi ko masabi sabing adopted si Illisha. Kaso sa ekspresyon niya, parang nalilito at may iniisip. Baka naman iniisip talaga nitong nabuntis ako ng iba.

"Where's her father?" he asked calmly, hindi makatingin sa akin.

"Wala siyang ama," sabi ko.

Tumango siya, ayaw pa rin tumingin sa akin.

"So... you adopted her?" parang nahulaan agad ang aking iniisip.

Hindi na ako nagtataka sa parteng iyon. Hiro's wise and unpredictable. He can sense what's going on around him. Dahil din siguro nahulaan niya lalo na't hindi ko kamukha ang bata.

"Yes," I answered honestly.

Tumango siyang muli, hindi pa rin tumitingin sa akin.

"What's her favorite snack? Bibili ako," si Hiro na tumatayo.

"Uh, sweets... Anything such as chocolates and chuckie," sabi ko.

He nodded while turning his back. "I'll be back," namamaos ang tinig na iyon habang ibinubulsa ang kamay at deri-deritso na ang lakad patungo sa pinto.

Sunod sunod ang hakbang niya palabas. Hindi ko nalang iyon pinansin pa total gabi na rin.

Umakyat ako at tiningnan si Illisha. She looked happy. Kumunot ang aking noo lalo na't noong magkatinginan kami ay nangingiti siya.

"I like him for you, Mommy..." aniya nang lumapit ako sa kanya.

"Hmm? You do?"

Tumango tango siya. "I can sense he's nice. He will take care of you like how I did."

Pinisil ko ang kanyang pisngi. "He probably has a girlfriend. At masaya na ako sa'yo..."

"But I want you to be happy. For real!"

I sighed. Illisha's always positive. Nahahawa rin ako sa kanya. She's always magical to me. Parang isang salita niya lang mawawala na ang pangamba ko.

"He looked like those prince I read in the book," patuloy niya habang sinusuklay ko na ang kanyang buhok gamit ang aking daliri.

"And he's finally here... to save you..."

Kumunot ang aking noo. Natigilan ako at nilingon ang kanyang mukha. She smiled. Her sparkling eyes were hopeful. She looked so happy.

R U L E D (NGS #10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon