Ruled
Friend
Hindi ko maintindihan kahit malinaw sa akin. Para bang may sinasabi siyang ibang lenggwahe kaya hirap akong intindihin iyon.
Inlove? I expected that he has feelings for me but not like this! I am expecting he'd say he likes me! Just like how he confessed to Naia. Ganoon ang iniisip kong maririnig kaso parang nabibingi ako kahit paulit ulit niya iyong binanggit.
Anong inlove. Ganoon ba ka lalim ang nararamdaman niya sa akin para masabi niyang inlove siya sa akin? I couldn't remember I flirted him so how come he fell inlove to me? Hindi ko naman pinapakitaan ng interes. Hindi ko nga inaakit.
Kaya bakit na-inlove siya sa akin?
"I didn't ask for an answer. I just want to be clear," he stated.
Huminga ako. Binitiwan niya ang pulso ko na medyo nagpagaan ng aking pakiramdam ngunit nang maramdaman ko ang kanyang pag-ikot, ang pagtayo sa aking harapan at pagharap sa akin ng buo, tripleng kaba ata ang umahon sa aking dibdib.
"Ayokong malito ka sa mga kilos ko. Gusto kong malinaw sa'yo ang nararamdaman ko. At ang... pagseselos ko."
Para atang ginugupit niya ang aking paghinga kaya napuputol. I slowly licked my lowerlip. I saw how his tongue slowly trace his lowerlip, too. Pumikit ako lalo na't... hindi nakakadagdag ang mga nakikita ko sa kilos niya.
I can't imagine us in one frame as a couple. Fine, he's hot. He's oozing hot. Aaminin ko ang bagay na 'yon. Guwapo rin. Oo na at nakuha niya sa lahi nilang puro magaganda at sobrang guwapo dahil sa lahing Espanyol na dumadaloy sa kanilang dugo pero iba ang impresyon ko kay Hiro.
At hindi dahilan ang kanyang tindig o mukha para masuklian ko itong nararamdaman niya sa akin.
"Hindi tayo magkakasundo," talagang pinaglaban ko nang muling dumilat at tiningnan siya ng maigi.
"Ako naman ang laging magpapakumbaba. I'll find a way so we can work out. I'll agree to your rules. I'll submit to your needs—"
"What the hell are you talking about? Hindi tayo magkakasundo dahil ayaw mo sa mga gusto ko," giit ko at pinipilit lang na ibulong ang mga iyon.
"That's why I'm trying to adopt the things you like so I can like it, too. So I can understand you. So I can relate—"
Umiling ako at nagpalakad lakad. Lumipat ako sa kabilang pasilyo, si Hiro na nakasunod. May estudyanteng naroon kaya nagpanggap akong may kinukuhang libro, si Hiro naman ay walang hiyang tumabi sa akin at kumuha rin ng libro ngunit nasa akin ang atensyon.
"So I can relate to you," patuloy niya.
Goddamn it. Nababaliw na si Hiro. Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy sa tinitingnan kong libro na hindi ko na talaga maintindihan kung ano ang mga nakasulat sa pahinang iyon. Pakiramdam ko ibang lenggwahe kaya kahit paulit ulit kong tingnan, paulit ulit na basahin sa isip ay hindi talaga pumapasok sa aking isipan.
"Natutunan ko ngang inumin 'yung paborito mong Dutch Mill kahit lasang gamot."
Nanliit ang aking mga mata. "Hindi kita pinilit na tikman iyon."
"Tinikman ko kasi gusto mo," rason niya.
Tinikman niya kasi gusto ko? Kaya kung siguro ay gusto ko siya, ang maiisipan niya agad ay tikman ako?
Nailing ako at umalis sa aking kinatatayuan. Lumipat ako sa kabilang pasilyo. Nakabuntot na naman si Hiro, at kami na naman dalawa! Walang estudyante.
Isinandal ko ang braso sa book shelf at humalukipkip. Humalukipkip din si Hiro at sumandal din sa book shelf habang nakaharap sa akin ng buo.

YOU ARE READING
R U L E D (NGS #10)
RomanceMara Torrefranca Buenaventura is one of the "deadliest" girl in her clan. She wears innocence as a mask that hides her wickedness and ruthlessness behind an angelic facade. She's the karma of those people who hurt her first. But one heartbreak would...