17th Ruled

35.6K 1.4K 892
                                    

Ruled

Date

Natataranta pa akong binawi ang like nang magkaroon agad ng panibagong notification. It's a message!

Kinagat ko ang labi nang makitang message request iyon galing kay Hiro.

Hiro Delafuente:

How about you click the confirm button first, Torrefranca?

Hindi ko iyon pinansin kaso nakakatrigger na ang sumunod niyang message.

Hiro Delafuente:

Confirm muna bago stalk.

Oh fuck. Ano namang alibi ko 'di ba? Post niya iyon months ago! Iyon lang ang tangi niyang post at tags na ang iba kaya talagang huling huli ako.

Friends kaming lahat ng mga Delafuente sa facebook. Siya lamang ang hindi. Main reason. Pati sa facebook ay snob siya. Limited friends lang. Puro lalake at ang babae ay mga pinsan lamang. Marami siyang followers at halos girls.

Hindi ko rin pwedeng sabihing dumaan sa feed ko eh hindi ko pa nga ina-accept ang friend request niya.

Binalewala ko ang message request ni Hiro ganoon din ang friend request saka naisipang magpost nalang ng pictures ko sa Paris, France noong birthday ko.

Namili ako ng apat na pictures na pwedeng i-post. Isang solo shot, isa sa ieffel tower sa gitna ng magkaharap na naglalakihang building na kulay beige, isang family picture at isang scenery kung saan makikita ang magandang museum ng The Lauvre na halos ginto na kulay at ang famous glass pyramid sa gitna habang asul na asul ang langit.

Nag-isip isip ako ng caption. 'Is there more?' I should answer that. Tinipa ko ang 'nothing much' at iyon ang ginawang caption.

Huwag siyang mag-expect kasi wala nang sosobra pa sa namamagitan sa amin. At kahit pa itanggi niya ang bagay na iyon, alam kong sinadya niya pa rin na ganoon ang caption para ma gets ko. Alam niyang kami lamang ang nandoon sa oras na iyon at iyon pa ang tugtog sa taxi kaya paanong hindi ko malalaman?

Kung nanghihingi siya ng sagot, pwes iyong caption na ang magiging sagot sa tanong niya.

Hiro Delafuente liked your photo. Kitang kita ko ang notification na iyon bago nasundan ng iba pa. Hanggang sa naging hundreds agad. Ngumiwi ako nang mapagtantong nakatambay siya sa wall ko kahit hindi ko naman in-accept ang kanyang request.

How come he liked it when we're not even friends on facebook? Siya ngayon ang stalker! Nauna pang maglike!

Nagsulputan agad ang maraming comments. Most of them came from my friends. Ang kalahati naman ay stranger na nakiki-comment lang.

Philip Sandoval:

Baby girl <3

Edward Tejano:

Angel Franca

Justin Ken:

Bagay siguro kung kasama ako sa family picture? Haha kidding.

Caden Blue:

I love the view.

Cassandra Fortalejo:

So pretty! Love you

Bumalik ulit ang mga mata ko sa comment ni Ken. I liked it. Ngumuso ako habang inaalala ang nabili kong souvenir para sa kanya.

Muling lumabas ang notification sa isang message request. Galing na naman kay Hiro. Napawi ang aking ngiti. Surot ba siya?

Hiro Delafuente:

Nothing much huh.

Kulit kulit! Doon ako nagka confident magreply lalo na't may pambato na sa kanya.

R U L E D (NGS #10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon