Ruled
Trigger Warning
Chained
Dahan dahan ang pagdilat ko sa aking mga mata. I feel so tired, like I did so many things to drain my whole energy.
Malabo ang paligid ngunit kita ko ang ilaw na lumiliwanag sa kabuuan, ang puting kuwarto na hindi pamilyar sa akin.
Slowly, I remembered what happened. Nakita ko... si Hiro na nakahiga sa daan at si Illisha na hindi ko matagpuan sa kabayong nagwawala.
Napadilat ako nang malaki dahil doon. Was it a dream?! Nangyari ba iyon? Gumuho ang pananalangin nang matagpuan ang kasama ko sa kuwartong iyon.
Nilingon ko ang isang nurse na abala sa aking gilid.
Why am I in the hospital? Sinong nagdala sa akin? Ano ang nangyari? Si Illisha? Si Hiro? Nasaan sila? Bakit wala sila rito kasama ko?
"Ma'am..." nangingiti ang nurse nang mapansing gising na ako.
Nagtangka akong bumangon. Kumilos ako at gumalaw ngunit dumalo agad ang nurse.
"Ma'am, steady lang po muna kayo..." she said in a concerned tone and smiled more.
"Ang... ang mga kasama ko," nakaya kong magsalita sa namamaos na tinig.
"'Yung lalake po ba? Ayos na po, Ma'am..."
I shut my eyes when I realized the accident was really true. Kumakalabog ang aking dibdib sa pag-aalala. Sapat na ang narinig na maayos ang kalagayan nila ngunit hindi mawala sa aking isip na napahamak pa rin.
"Eh ang bata, ang anak ko... kumusta?"
She looked at me with confusion.
"Si Illisha. 'Medyo kulot ang buhok niya at sobrang bata pa. Siya ang may sakay sa kabayo," I explained clearly.
She looked so puzzled. "Ma'am, dalawa lang po kayo ang isinugod sa hospital."
Dalawa lang? Ibig bang sabihin nito nakaligtas si Illisha? Ngunit sigurado ako sa nakita ko, nawawala siya sa kabayo at maaaring nahulog siya dahil sa pagwawala ng kabayo!
Umiling ako, medyo naaalarma.
"Hindi. May bata. Anak ko. Si Illisha. Siya ang may sakay sa kabayo," giit ko.
"Wala pong kasamang bata sa naaksidente, Ma'am..."
What? Anong wala? Kung ganoon, nasaan si Illisha? Nakaligtas ba? Nasaan kung ganoon?! Lalo na't nakita ko na kahit ang kabayo ay nagsisigaw dahil mukhang isa sa natamaan! Kaya nasaan si Illisha!
Umiling ako at nagpumilit bumangon. Si Hiro... Baka alam ni Hiro! Kung wala siya rito, ibig sabihin ay alam ni Hiro at baka nailigtas niya bago... bago siya nabangga!
Bumangon ako ngunit mabilis akong pinigilan ng nurse.
"Magpahinga po muna kayo, Ma'am. Ipapa double check ko po ang sinasabi niyong pasyente. Pwede po bang malaman ang buong pangalan noong batang tinutukoy niyo?"
"Illisha... Illisha Buenaventura," sabi ko na ikinatango niya at ngumiti. "Kumalma po muna kayo. Kailangan niyo pong magpahinga."
Hindi... Hindi ako makakalma hangga't hindi ko nakikita si Illisha! Kailangan ko siyang makita! Kailangan kong malaman kung nasaan ang anak ko!
"Ako na po ang bahala, Ma'am..."
Nagpaalam ang nurse sa akin. Huminga ako at pilit na inalala ang nangyari kanina. I tried to recall everything but I couldn't. Sumasakit ang aking ulo. Dumilat ako at tiningnan ang pinto.

BINABASA MO ANG
R U L E D (NGS #10)
RomanceMara Torrefranca Buenaventura is one of the "deadliest" girl in her clan. She wears innocence as a mask that hides her wickedness and ruthlessness behind an angelic facade. She's the karma of those people who hurt her first. But one heartbreak would...