19th Ruled

36.2K 1.5K 936
                                    

Ruled

Fun

Nagjog ako pabalik sa bahay. Ni hindi na ako lumingon pa. Para akong baliw sa daan na may dalang dalawang hoodie at tumatakbo.

Pagkapasok sa kuwarto ay halos hilain ko ang hoodie ni Hiro paalis sa aking katawan at itinapon iyon sa sobrang iritasyon. Malalaki ang aking hakbang patungo sa banyo para agarang makaligo dahil dumikit pa ata ang pabango niya sa akin!

Gigil na gigil ako. Sino ba siya para magalit kung may suotin akong hoodie? Sino ba siya para utusan ako? Sino ba siya para makialam!

Halos lunurin ko ang sarili sa bath tub na puno ng tubig sa galit na yumayakap sa akin. Talagang wala atang taon na hindi ko makakaaway si Hiro. Palagi niya akong naiinis. Palagi nalang kaming mag-aaway. Doble pa ngayon dahil talagang pakialamero na siya!

Buong araw atang sira ang aking mood at na-distract lamang nang may text na dumating sa aking phone.

Unknown:

Hi. This is me. Roche.

Kumalma ang aking galit at nagtipa ng mensahe.

Ako:

Hello. Sorry pala sa nangyari kanina.

I rolled my eyes unbelievably. Ano ba kasing pakialam ni Hiro sa bagay na iyon? Ayoko sanang isipin kaso halatang halata na nagseselos siya! Iba ang galit niya ngayon kumpara sa galit niya noon! Parang hindi niya ako tatantanan kung hindi ko hinubad ang hoodie ni Roche kanina!

Unknown:

He looked mad.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi habang nagtitipa ng reply.

Ako:

Overprotective lang. Close kasi ang family namin.

Ganoon nalang ang gusto kong alibi lalo na't ang hirap pagtakpan ng kilos ni Hiro! Talagang ang obvious! Kulang nalang hamunin niya ng suntukan!

Sa magpipinsan, si Grey ang alam kong mainitin ang ulo at kabi-kabila ang kinasasangkutang gulo. Maiintindihan ko pa kung si Toshi o si Wayt ang napaaway lalo na't masusungit ang dalawang iyon at parang handa ring makipagsuntukan kaso si Hiro?! I can't imagine him getting into a fight just because he's... he's...

I groaned more. Nabitiwan ko ang cellphone sa sobrang panggigigil. This is bad. Hindi pwedeng ganito si Hiro. Magiging hadlang siya sa mga lalakeng tipo ko!

Kumalma ako nang muling marinig ang reply ni Roche.

Roche:

Are you a choir member? Parang pamilyar ka.

Kumurap ako. Nagsisimba siya sa Sanctuario de San Antonio?

Ako:

Yes.

Si Roche ang ka text ko sa gabing iyon at nagsunod sunod pa sa mga nagdaang araw. Naging triple na ang pagiging mailap ko kay Hiro. Hindi naman talaga kami madalas magkita sa school pero namimili na ako ng mga lugar na tinatambayan at sa library ako madalas.

Imagine it. Hindi kami nagtetext. Hindi friends sa facebook. Hindi rin kami close. Ang tanging alaala naming dalawa sa isa't isa ay ang mga palihim na away na naging tulay para magkausap kami.

Ngayon na nadadagdagan ng panibagong away ay mahirap na talagang isipin kung ano ang tunay na relasyon naming dalawa. Hindi kami magkaibigan. Talagang isinusuka ko ang ideyang iyon. May mga araw naman na kalmado kami ngunit may mga araw rin na kapwa kami sabog at nagtatalo.

But this time it's different. Our fight was very different from our fights years ago. Iba ito noong highschool kami. May halong ibang nararamdaman ang galit niya kumpara noon na irita lamang siya dahil nadadamay siya. Anong ikinakagalit niya ngayon eh hindi naman siya nadadamay?

R U L E D (NGS #10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon