44th Ruled

48.4K 1.7K 1.3K
                                    

Ruled

Tamed

Nasa entrance na kami ng Mall nang kumalabog ang aking dibdib, kabado at gusto na lamang umatras nang makita ang dagat ng mga taong nagkalat.

Nilingon ko si Hiro na dumadaan sa Men's entrance. Ako naman ay sa pambabae. Pagkapasok, nilapitan niya agad ako.

"Are you okay?"

Tumango ako at binasa ang labi. Nanliliit ako at hindi kumportable ngunit pinipilit ang sarili na magpakatatag. Gustong maglakad pabalik sa kotse ngunit nilabanan ko.

Ilang taon kong iniwasan ang ganitong mga lugar. Ilang taon ko ring ikinulong ang aking sarili kaya nakakapanibago at nakakatakot.

Nagsimula kaming humakbang. Malapit si Hiro at halos wala nang espasyo sa aming pagitan. Nakapamulsa siya, panay ang lingon sa akin at ako naman itong yuyuko minsan.

May nakasalubong kaming grupo ng mga babae. Rinig ko ang paghahagikhikan nila. Nakita ko rin ang pagsulyap sa akin. Nagkasalubong ang aking kilay nang makitang nagtawanan silang lalo.

My heart pounded harshly. Pumikit ako at pakiramdam ko'y nabibingi na naman.

"Heard them saying you're so pretty..." bulong ni Hiro na ikinadilat ko.

"Huh?" lito ko siyang nilingon.

"'Yung mga babaeng dumaan."

Kumalma ako. Mukha nila akong pinagtatawanan at hindi ko alam kung bakit.

"Baka pinagtatawanan nila ako kasi ako ang kasama mo?"

Umangat ang kanyang kilay. "What's so funny about you?"

"Baka..."

"Tumititig sila kasi ang ganda mo," paglilinaw ni Hiro na ikinatutop ng aking bibig.

Hindi ko alam kung gawa gawa lang ba iyon ni Hiro para pakalmahin ako o ano. Inalis niya ang isang kamay na nakabulsa at ibinalandra sa akin.

"Still nervous? You're free to hold my hand."

Kumunot ang aking noo. Parang tsansing naman 'yon! Umismid ako.

"Tsansing ka lang eh."

"Malay mo effective? Let's hold hands," nangingiti niyang sabi.

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Humalukipkip ako at matapang na naglakad para ipakitang kaya ko naman.

"Hindi mo ako mauuto, Hiro."

"Defensive. You're falling huh..." bulong niya na hindi nakaligtas sa aking tainga.

My eyes widened.

"Baka ikaw," I fired back. "Inlove ka sa'kin."

"Oo. Alam mo 'yon," sabay angat ng kilay sa akin.

Hindi man lang itinanggi! Ang tapang. Nagkasalubong tuloy ang aking kilay habang sumusunod lamang sa kanya sa paglalakad hanggang sa sobrang distracted ko sa kanya, nagulat na lamang ako noong makarating kami sa harapan ng Salon.

I looked back, shocked with my steps. I... I did it! Kinagat ko ang aking labi at pinigilan ang munting ngiti na lumabas. Itinuon ko ang tingin sa harap at muling tumatapang para sa panibagong papasukan.

Pinagbuksan kami ng guard sa loob. Ngumiti ito sa amin. I couldn't looked at him in the eyes. Pagkapasok ay sinalubong ako ng babae. Sumulyap saglit kay Hiro na naglalakad patungo sa sofa at pasulyap sulyap din sa akin.

"Hello Ma'am... Anong gusto niyo? Magpapakulay ka ba? Magpapa gupit?"

I nodded.

"Gupit, Ma'am?" she asked softly.

R U L E D (NGS #10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon