Ruled
Inlove
Ramdam ko ang kaba ng tatlo sa presensya ni Dad. Yumuyuko si Ken, ayaw nang tingnan ang aking ama. Tahimik si Wayt, ayaw nang magsalita. Nakamasid naman ang tingin ni Hiro, para bang pinipigilan nalang ang sarili na huwag nang galitin ang aking ama.
Medyo nakahinga ako nang sumunod na dumating si Mommy. Nagrequest lang ulit si Dad ng panibagong check-up lalo na't gustong makasigurado saka rin kami umuwi noong gabing iyon.
Tahimik na ang mga Delafuente, at hindi ko rin alam kung sino pa ang nagsidatingan bukod sa dalawang naunang pinsan ni Ken.
"Are you sure you're not hurt? Pinag-aalala mo ako. Hindi ata ako makakatulog sa'yo..." si Mommy na niyayakap ako sa backseat.
"I'm fine, Mom. It was an accident..." paliwanag ko at kita ang pag-angat ng tingin ni Dad sa itaas ng salamin.
"Pumuporma ba 'yon?" malamig na tanong niya.
Umiling ako ng bahagya. "It's his birthday, Dad..."
"Birthday? And he invited you to eat dinner? What's that? A friendly dinner?"
Hindi ako makapagsalita lalo na't kahit ako ay lito rin naman sa anyaya ni Ken. He's wellknown for being friendly with girls but he's also wellknown for being a playboy.
"'Yung pinsan niya pa ang kamuntik kong masuntok dahil akala ko 'yun ang kasama mo at hindi pa nagpaalam. Kung hindi ko lang nakitang ginagamot ang ulo ng batang iyon, baka dinagdagan ko ang bali sa katawan," si Dad.
"Sino ang kamuntik mong suntukin?" kunot-noong tanong ni Mommy.
"'Yung nasa bahay na kaibigan ni North," si Dad.
"My God, Dos! You almost hit Scarlet Gail's son?!" sumabog ang tinig ni Mommy sa kabuuan ng kotse.
"Napagkamalan ko..." si Dad sabay tingin sa akin sa itaas ng salamin.
Mariing pumikit si Mommy at parang nai-stress. Nanatili akong tahimik nang maalala ang homescreen ni Hiro.
Ngayon ko lang ulit nabalikan sa isip ko ang parteng iyon. Malinaw naman ang kanyang mga kilos, na may nararamdaman siya sa akin, kaya kahit hindi sabihin, alam ko na agad.
Ngunit hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa parteng iyon. Malinaw sa akin sino ang gusto ko sa magpipinsan. Nalalaglag pa siya sa listahan at minsan ay nabubura lalo na't marami kaming pangit na alaala sa isa't isa.
Ngayon lang ulit siya bumabalik sa pinakaibaba noong kalmado na ang mga interaksyon namin at madalang nang mag-away. Nagugustuhan ko siya sa parteng iyon ngunit hindi sa paraang masusuklian ko ang nararamdaman niya para sa akin.
"Mga gamit mo," si North nang magpakita sa bahay kinabukasan.
Dala niya ang mga gamit kong naiwan sa kotse ni Ken noong mabangga kami.
"Binigay sa'kin ni Hiro. Hindi siya makapunta rito lalo na't galit pa si Tito Dos sa nangyari sa'yo."
It's my bag. Binuksan ko iyon at nakita pa ang mga gamit kong dala. Ang cellphone, pabango, at wallet.
Sumandal si North sa ulo ng kanyang kotse at tiningnan ang aking braso.
"Gago talaga. Kung nandoon lang ako..." nakangising sambit ni North sabay hithit sa kanyang sigarilyo.
Hindi magandang timpla ang kanyang ngisi. He'll gone berserk once he's there. Tahimik ko lamang na tiningnan ang aking mga gamit habang umiiling si North, binubuga ang usok ng sigarilyo at nakatingala sa kawalan na para bang malalim ang kanyang iniisip.

YOU ARE READING
R U L E D (NGS #10)
RomanceMara Torrefranca Buenaventura is one of the "deadliest" girl in her clan. She wears innocence as a mask that hides her wickedness and ruthlessness behind an angelic facade. She's the karma of those people who hurt her first. But one heartbreak would...