41st Ruled

41.4K 1.5K 931
                                    

Ruled

Best

Nakakapagod.

Tulala na lamang sa nagdaang araw, ni hindi ko alam kung alin ang tama at mali sa nangyayari sa aking paligid.

Kung alam man, wala ring lakas para isipin ang iba pang bagay.

"Here's your medicine, Ma'am..." nangingiting ibinigay ng nurse ang hindi ko malamang pang-ilang gamot na iniinom ko araw-araw.

"Tapos na akong uminom," I said to stop her from bugging me.

Yakap ang mga binti at nakaupo sa kama, nakasandal ang aking ulo sa pader habang nasa kawalan ng tingin.

Naka-confine pa rin ako. Nandito rin lagi ang aking parents, si Mommy at Daddy na laging dumadalaw at si Hiro na sumusulpot.

"Kahapon po 'yon, Ma'am..."

I looked at her blankly. Para saan pa ba ang mga gamot na 'yan? Maibabalik ba si Illisha sa akin? Maging magaling man ako o hindi, wala na ring kuwenta sa akin iyon dahil wala na siya.

"Lumabas kana," I warned her.

Bumukas muli ang pinto. Nakita ko ang pagpasok ni Hiro, may dalang basket ng prutas at tumingin agad sa akin.

"Anong problema?"

"Ah Sir... Hindi niya pa iniinom ang gamot niya."

I remained silent. Nakikita ko ang paghuhubad ni Hiro sa kulay beige na jacket, ang tanging naiwan ay ang puting t-shirt at inilapag ang basket ng prutas sa lamesa.

"Ako na."

Tumango ang nurse at ibinigay iyon sa kanya. Nanatili akong walang imik. Tiningnan ng nurse at ngumiti bago nagpaalam na lumabas.

"Take me home, Hiro," sabi ko nang sumara ang pinto.

"I'll do it once you're..."

"Once I'm normal?" Nag-angat ako ng kilay.

"Once you're fully recovered, Torrefranca. You need to rest."

What kind of rest? Sa sobra kong pagod ngayon hindi sapat ang pananatili sa ospital na ito dahil baka makagawa na ako ng ibang paraan para lang sumunod agad kung nasaang lupalop man ng mundo ang aking anak.

"Iuwi mo na ako at hahanapin ko si Illisha. Naririndi na ako sa mga kasinungalingang iniimbento niyo," halos walang gana kong sabi, tulala pa rin.

He didn't say anything. Inilahad niya sa akin ang gamot, sa kabilang kamay ay hawak ang baso ng tubig na nakahanda.

Umiling ako, desididong panindigan na ayokong inumin iyon.

"Uuwi tayo pag nabawi mo na ang lakas mo."

My eyes slowly watched him. Kung totoo mang may sakit ako, paano kung... pati siya... hindi totoo?

I watched him curiously. Illisha felt so real like the rest. Sa sobrang totoo niya, mahirap paniwalaang imbento lamang siya ng aking isip.

Kung hindi totoo si Illisha, ibig sabihin, may tsansa ring hindi totoo ang mga nakapaligid sa akin. Baka pati ito, hindi rin totoo.

Paano kung panaginip na naman ito? Paano kung lahat ng nangyari ay panaginip lang? Binabangungot ako at hindi pa rin nagigising.

Pumikit ako at gustong gisingin ang aking sarili. Ngunit nang muling dumilat, walang nagbago.

Ang parents ko naman ang dumating pagkaraan ng ilang oras. My mother looked tired but she managed to smile. Si Dad ay seryoso at sumulyap pa kay Hiro na abalang nagbabalat ng prutas.

R U L E D (NGS #10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon