Ruled
Death
Iniwas ko ang tingin at kunwari'y walang narinig. Nagsimula akong magsulat. Hmm...
Pizza! Iyon ang una ko sa listahan. Tapos nagsulat din ng donut. Akin naman ito lahat. Kay Illisha ang fruits para healthy siya.
Lumapit si Hiro sa akin. Pinigilan ko ang sariling mapalingon sa kanya. Kahit ang simple na ng kanyang suot pero bakit parang bihis na bihis pa rin tingnan?
Tumigil siya sa aking gilid at itinukod ang kamay para tingnan ang aking sinusulat habang ang isang kamay ay humawak sa inuupuan ko.
"I can't promise if they're available in the market. Ubusan lagi. You know people nowadays..."
I crossed it out and changed it with ice cream. There. It's impossible. Meron nito lagi.
"Do you have anything else in mind aside from this?"
Nag-isip isip ako. Nakakaumay na kasi ang snacks na meron dito. Oatmeal, yogurt, fresh veggies and fruits ginawang pang snack ni Hiro. Kulang nalang sabihin niya sa aking huwag na akong tumikim ng mga matatamis na pagkain!
I nibbled my lowerlip. Hiro tilted his head and watched me carefully. I saw how he slowly nibbled his lowerlip, too.
Distracted na nga sa pabango at imahe niya sa gilid ko, nadidistract pa lalo sa panggagaya niya.
"Ito na lahat."
"Hmm... let me see." Yumuko siya ng kaonti hanggang sa naging ka-lebel ko ang mukha niya, nasa gilid na.
Tumingin ako sa kandungan, sunod sa papel na binabasa niya, at lingon sa kanya ng marahan. His half profile looked vividly perfect.
"Pati 'yung frittata na paborito mo. I want the full ingredients." Lumingon siya sa akin at nadatnang nakatingin din ako. I'll... cook it for you later..." ang tingin ay bumababa sa aking labi.
Tumango ako at tumikhim. Muli akong naglista habang ramdam ko ang mariin niyang titig.
"I'm not sure kung tama ba ito lahat. Pero alam ko may ganito," sabi ko.
"Leave it to me. Ako na ang bahala."
"'Tsaka sa SM Lanang. Malaki ang grocery store nila. Sigurado akong meron lahat doon. Huwag ka rito sa malapit na mga Malls," pahabol ko.
He nodded. "Alright."
Ibinigay ko iyon sa kanya. Kinuha niya ang papel at ibinulsa. I watched him hopefully. Sinabayan ko siya sa paglalakad patungong pinto.
"Uh... babalik ka agad? What time?"
Tumingin si Hiro sa akin. "Do you still use your phone? I'll call so we can talk."
"Uh..."
Hindi ko na ginagamit ang phone ko eh. Noong makita niyang nagdadalawang isip ako ay ibinigay niya sa akin ang kanyang cellphone.
"Use it. I'll call later."
Tiningnan ko iyon ng maigi. I don't like the idea of it. Gusto ko namang maghintay nalang kaso...
"I'll buy another phone later. Kung may tumawag na unknown number, ako 'yon. You don't need to talk. Mag-uupdate lang ako para alam mo kung nasaan na o kung pauwi na."
Oh? It's a good idea. Kinuha ko iyon.
"See you later. Lock the gate. Don't entertain some strangers. I'll be back right away," ani Hiro habang naglalakad na kami sa gate.
Pagkaalis ni Hiro ay umakyat agad ako. Nahanap ko si Illisha na nasa terasa, sumisilip sa bawat pagitan ng railings habang nakahawak doon at sinundan ng tingin ang sasakyan ni Hiro.

YOU ARE READING
R U L E D (NGS #10)
RomanceMara Torrefranca Buenaventura is one of the "deadliest" girl in her clan. She wears innocence as a mask that hides her wickedness and ruthlessness behind an angelic facade. She's the karma of those people who hurt her first. But one heartbreak would...